Maja pinagtripan si Bea nang mag-guest sa 'Eat Bulaga': 'O, ano kayo ngayon, close na kami!' | Bandera

Maja pinagtripan si Bea nang mag-guest sa ‘Eat Bulaga’: ‘O, ano kayo ngayon, close na kami!’

Reggee Bonoan - October 10, 2022 - 01:55 PM

Maja pinagtripan si Bea nang mag-guest sa 'Eat Bulaga'

Maja Salvador at Bea Alonzo

“PANIS kayo!” Ito ang bungad ni Maja Salvador sa camera na naka-in character bilang si Majamog o batang hamog sa isang episode ng “Eat Bulaga.”

Sobrang naaliw si Bea Alonzo nang personal siyang puntahan ni Maja sa kanyang dressing room.

Guest kasi si Bea sa “Bawal Judgmental” segment ng “EB” at habang naghihintay siya sa dressing room ay kinatok nga siya ni Maja.

View this post on Instagram

A post shared by MAJA (@maja)


Base ito sa inilabas na video clip sa Instagram account ng eatbulaga1979 nitong Sabado ng hapon.

Kumatok muna si Maja saka binuksan ang pinto, “Ma’am Bea!  Busy ka po? (sabay pakita ng reaksyon ng aktres na natawa).  Ang ganda. Kaya pala nag-partner sila ni Alden (Richards). Ganda ni Bea Alonzo, may bling bling (habang lumalapit ang aktres sa kanya).”

Sabay kinamayan ni Maja si Bea, “Majamog po (nag-hi naman sa kanya ang huli).”

Nakipagkilala rin ang kasama ni Maja na si Malamog, “Ang ganda ni Bea talaga. Tangkad!”

Sabay hila ni Maja ng upuan at saka tumayo bilang mas matangkad na siya kay Bea.

Hirit ni Malamog, “Ma’am Bea, pa-picture naman po.”

Pinagbigyan naman ng aktres ang hiling ng kasama ni Maja at naki-join na rin ang huli sa kanilang selfie.

Umalis na sina Maja pero bumalik ulit ito at yumakap kay Bea para sabihing close sila sa camera, “O, ano kayo ngayon, close kami ni Bea Alonzo.”

Close naman talaga ang dalawa sa tunay na buhay na unang nagkasama sa pelikulang “One More Chance” noong 2007 kasama si John Lloyd Cruz na idinirek ni Cathy Garcia- Molina under Star Cinema.

Ginampanan noon ni Bea ang karakter na Basha, habang si Lloydie naman si Popoy at si Maja ay si Trisha.

Samantala, umabot na sa mahigit 15,000 ang nag-like sa video na ito nina Maja at Bea.

* * *

Maghahatid ng saya at katatawanan sina Alex Calleja at mga kapwa niyang komedyante sa pagdiriwang niya ng kanyang ika-50 na kaarawan sa “Happy! The Alex Calleja Birthday Special.”

Ang iWantTFC ang official media partner ng naturang stand-up comedy show kung saan dapat abangan ang nakakaaliw na mga performance ng iba’t ibang special guests.

Makakasama ni Alex upang maghatid ng katatawanan sina Israel Buenaobra, Mak Navarez, Jeps Gallon, Yuki Horikoshi, Ramon Cabochan, Dawit Tabonares, Grease Junio III, Winer Aguilar, Sherwin Buenvenida, at Leland Lim, at ang special guests na sina Diana Menezes and Paolo Santos.

Gaganapin ito sa Oktubre 14 at 15 ng 9 p.m. sa Maybank Performing Arts Theater. Makakabili na ng tickets sa www.ticketworld.com.ph.

Samahan si Alex sa pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan sa “Happy! The Alex Calleja Birthday Special” ngayong buwan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/283443/maja-tinanggihang-makatambal-si-gerald-sa-init-sa-magdamag-respeto-lang-daw-kay-rambo https://bandera.inquirer.net/312801/maja-salvador-black-is-out-pink-is-in https://bandera.inquirer.net/100447/coco-nagparamdam-kay-maja-sobrang-ganda-at-sexy-niya-ngayon-tapos-walang-boyfriend https://bandera.inquirer.net/281452/biktima-john-lloyd-alex-pinagtripan-ni-maja-pero-hindi-umubra-ang-drama-kay-aiko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending