Teacher may bonggang pa-‘grand entrance’ sa mga estudyante bago magklase
GOOD vibes sa social media ang kakaibang gimik ng isang guro sa Misamis Occidental bago mag-umpisa ng klase.
Sa Facebook video, makikitang tila may dance showdown pa habang sinasalubong isa-isa ng Grade 6 teacher na si Jeric Maribao ang kanyang mga estudyante.
Ang tawag daw diyan ni teacher Jeric ay “grand entrance” na kung saan kailangan munang humataw sa pagsayaw ang bawat estudyante bago makapasok ng classroom.
Pero siyempre, hindi lang basta-basta yan dahil ang makakapasa sa yugyugan, mabibigyan din ng libreng vitamins at almusal.
Na-interview ng Bandera ang guro at ikinuwento nga niya na naisipan niya itong gawin upang mapanatili ang pagiging “energetic” at “healthy” ng mga mag-aaral.
Sabi pa niya, “Gusto ko pong bigyan ng quality education yung mga bata po through applying different strategies po.”
Taong 2015 nang magsimulang magturo si Teacher Jeric at bilang paghahanda raw sa face-to-face classes, iba’t-ibang paandar na ang kanyang ginagawa hindi lang para maging inspirasyon sa marami, kundi para na rin magsipag ang kanyang mga estudyante.
Ayon sa kanya, “gusto ko kasi makuha atensyon nila in learning geography po and other subjects especially mathematics.
“Since may talent po ako of composing songs po, I opt to integrate that potential to my teaching performance.”
Bukod sa ‘grand entrance’ video, una nang naging viral ang ilan pa niyang nakakatuwang teaching strategy gaya ng kanyang mala-musical style na pagtuturo.
Read more:
Luis Manzano nagpasabog ng good vibes sa socmed; mga kapwa artista tawang-tawa
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.