Derek Ramsay at John Lloyd Cruz type makachurvahan ni Janelle Tee kung... Bandera

Derek Ramsay at John Lloyd Cruz type makachurvahan ni Janelle Tee kung…

Reggee Bonoan |October 06,2022
share this

Derek Ramsay at John Lloyd Cruz type makachurvahan ni Janelle Tee kung…

Reggee Bonoan - October 06, 2022 - 07:26 AM
Derek Ramsay at John Lloyd Cruz type makachurvahan ni Janelle Tee kung...

Derek Ramsay, Janelle Tee at John Lloyd Cruz

DAHIL kulang ang kinikita ni Janelle Tee sa pagtatrabaho ay napilitan siyang kumapit sa patalim, pinasok niya ang trabahong nagbibigay-aliw at kasiyahan sa mga lalaki.

Ito ang karakter ng dating beauty queen sa Vivamax series na “AN/NA” na isinulat at idinirek ni Jose Javier Reyes na kasalukuyang napapanood sa Vivamax.

Sa mga pelikulang nagawa na ni Janelle for Vivamax ay laging may hubaran at love scenes tulad ng “Escort Wife,” “Secrets”, “Putahe,” “Kinsenas Katapusan,” at “Pusoy”, kaya natanong ang sexy star kung nailang pa ba siya sa mga sex scenes niya sa “AN/NA” o hindi na dahil nasanay na siya.

“Ha-hahaha. Grabe naman ‘yung nasanay na!?” tumatawang sabi ni Janelle.

Tuloy niya, “Hindi naman ako nasanay eversince nandoon pa rin ‘yung kaba lalo na ‘yung mahahabang love scenes na iso-shoot namin, so wala naman akong alinlangan sa mga love scenes nandoon pa rin yung kaba kasi the trust kasi is there.

“Yung awkwardness siguro, si Fabio kasi ‘yung kakilala ko sa lahat at kaibigan ko, so, ‘yun ang awkward kasi may love scenes kami mas mahirap pag kakilala mo.

“Kung hindi mo kakilala, okay lets’ do this.  Sana may rapport at okay sa camera, pero awkward kapag kilala mo ‘yung ka-eksena mo.  So, I think ‘yan ‘yung mga experience ko sa love scene,” paliwanag ni Janelle.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janelle ✨ (@_janelletee)


Samantala, bilang nagbibigay ng sex service ay sino ang gustong bigyan ni Janelle among celebrities if ever na ito talaga ang trabaho niya at hindi siya artista.

Mabilis na sabi ng dalaga, “Ultimate crush ko kasi sina John Lloyd Cruz at Derek Ramsay. Ha-hahaha! Hindi nakutento sa isa!? Si Derek kasi di ba ang hot niya sa mga movie, so, lahat ng gusto nila ay gagawin ko, lahat ng posisyon gagawin namin kung gusto nila at siyempre lahat din ng gusto ko gagawin din nila.  Ganu’n naman, di ba?”

Paano niya aakitin ang dalawang aktor kung sakali at ano ang isusuot niya? “May suot pa ba? Di ba wala na? Dapat wala nang suot. May foreplay tapos ang ending wala nang suot. Ha-hahaha!”

Nagsimulang ipalabas ang “AN/NA” series noong Setyembre 25 at sa natitirang last two episodes nito na mapapanood sa Vivamax ay dapat daw abangan sabi ng tatlong bida kasama na si direk Joey.

Si Anna ay isang simpleng empleyado kung saan iba’t-ibang produkto ang binibenta, hind nga lang sapat ang kinikita nito. Tumutulong siya sa pamilya ngunit hindi nakababayad ng tama sa kanyang upa. Mapipilitan siyang maghanap ng “easy money” at ito ay ang pagpasok sa prostitusyon

Kasama rin sa series sins Rob Guinto, Greg Hawkins, Fabio Ide, Rolando Inocencio, Micaella Raz, CJ Jaravata, Axel Torres, Azi Acosta at Clara del Rosario.

 

https://bandera.inquirer.net/323985/janelle-tee-nag-social-media-detox-muna-bago-ang-next-pasabog-hindi-naman-ako-mawawala-forever-i-just-need-to-take-a-break

https://bandera.inquirer.net/319604/janelle-tee-hiyang-hiya-kay-joey-reyes-tapos-napansin-niya-mahilig-akong-lumafang-kaya-pinapakain-niya-ako-nang-husto

https://bandera.inquirer.net/319604/janelle-tee-hiyang-hiya-kay-joey-reyes-tapos-napansin-niya-mahilig-akong-lumafang-kaya-pinapakain-niya-ako-nang-husto

https://bandera.inquirer.net/313332/ayanna-misola-pinaligaya-ang-sarili-gamit-ang-buhay-na-isda-janelle-tee-walang-arte-arte-sa-lafangan

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending