Vice Ganda game na game sa pagiging ‘yaya’: Kailangan ko ng extra income!
MARAMI ang naaliw sa bagong gimmick ng Unkabogable Star na si Vice Ganda matapos ibandera sa YouTube ang kanyang latest vlog.
Naging “babysitter” ang komedyante sa celebrity baby na si Bia, ang anak ng sikat na Youtuber na si Zeinab Harake at rapper na si Skusta Clee.
Sa video, pabirong ipinaliwanag pa ni Meme Vice kung bakit niya pinasok ang pagiging “yaya.”
Sabi niya, “Matumal po ngayon ang negosyo ngayon sa showbiz.
“Dahil wala masyadong ganap, at dahil backup ang pelikula ko, so wala ring masyadong kita.”
Saad pa niya, “So kinakailangan kong maghanap ng ibang paraan para may extra income tayo dahil lumalaki na po ang pamilya natin.”
Kinarir talaga ni Vice Ganda ang kanyang bagong trabaho, may pa-costume pa siya at pinalitan ang pangalan bilang “Yaya Gandara.”
Nagkaroon din ng quick house tour sa bahay ni Zeinab para raw malaman ng komedyante kung ligtas sa bata ang bahay na tinitirhan.
Sey pa niya, “kailangan ho kasi para mas maging maayos ang trabaho, kailangan ko munang ma-familiarize ‘yung bahay ninyo.
“Para alam ko kung safe yung lugar para doon sa bata or unsafe.”
Bagong gising pa si baby Bia nang ma-meet ni Meme Vice.
Sa vlog, ilang beses sinubukan ng Unkabogable Star na kunin ang loob ng tsikiting ngunit hindi pa rin ito sumama sa kanya.
Samantala, ibinunyag ni Zeinab na hindi pa raw nabibinyagan ang kanyang anak at kukunin niyang ninang si Vice.
“Kukunin nating ninang yan para sigurado nang malaki wallet mo every pasko,” sey ng celebrity mom.
Kasalukuyang number one trending sa YouTube ang latest vlog ng komedyante, at umaani na ng mahigit two million views as of this writing.
Read more:
Vice Ganda sa mga bashers: I don’t want to talk to losers
Vice Ganda nagpaayos ng ngipin sa halagang P500k: Kapag nabuo ito, P1-M worth of smile talaga!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.