I-text kay Madam Sophia | Bandera

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia |September 30,2013
facebook
share this

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia - September 30, 2013 - 03:00 AM

Mula kay Claire Santiago ng Cabiao, Nueva Ecija. October 13, 1989 ang birthday ko. Sino sa dalawang boyfriend ko ang mas ka-compatible ko at dapat na makatuluyan upang masigurado ang isang maunlad at maligayang pagpapamilya balang araw? Ang unang BF ko ay isinilang nuong February 10, 1990 at ang pangalawa naman ay December 30, 1987?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong October 13, 1989 ang lalaking isinilang nuong February 10, 1990 ang mas higit na katugma at ka-compatible mo lalo na kung ang nasabing lalaki ay medyo maitim o may kayumangging kulay at matigas ang hilatsa ng buhok. Sa piling ng lalaking nabanggit may pangako ng isang maligaya at pang habang buhay na pag-aasawa.
>>>
Mula kay Aira ng …2371 ng San Fernando, La Union. August 27, 1983 ang birthday ko. Kailan kaya ako magkaka-boyfriend?
Tugon ni Mamdam Sophia: Ayon sa birthday mong August 27, 1983 sa taong kasalukuyan sa edad mong 30 pataas, bago sumapit ang pasko, magkaka-boyfriend ka na, hatid ng isang lalaking Taurus na medyo malaki ang tiyan.
>>>
Mula kay Au ng …3813, Dipolog City. November 27, 1993 ang birthday ko. Sino-sino po ba ang ka-compatible ko?
Tugon ni Madam Sophia: Ka-compatible ng birthday mong November 27, 1994 silang isinilang sa zodiac sign na Leo, Aries, Gemini at kapwa mo Sagittarius, higit lalo silang isinilang sa petsang 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 5, 14, at 23.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending