Rajo Laurel nag-reach out kay Eva Le Queen matapos ang ‘trash’ comment sa ‘Drag Race PH’: Lahat naman nagkakamali
ILANG araw na ring trending ang world-renowned Filipino designer na si Rajo Laurel matapos ang pagbibigay komento nito sa isa sa mga contestant ng “Drag Race Philippines” na si Eva Le Queen.
Marami kasi sa mga netizens ang hindi agree sa paraan ng kanyang pagbibigay komento sa contestant at pagtawag nito ng “trash” sa kanyang ginawang outfit sa isa sa mga challenge noong episode 7.
Nauna nang ipaliwanag ni Rajo na wala naman siyang ibig ipakahulugan masama sa kanyang mga komento at nasabi niya lamang ito dahil naniniwala siya na mas may ibubuga pa si Eva.
“My judgements on @dragraceph will always stem from a place of Love!” saad ng Filipino designer.
Pagpapatuloy pa ni Rajo, “It will never come from being hurtful, mean nor evil, I only want the BEST from our queens the best from the Philippines!”
My judgements on @dragraceph will always stem from a place of Love! It will never come from being hurtful, mean nor evil, I only want the BEST from our queens the best from the Philippines! #dragraceph
— Rajo Laurel (@rajolaurel) September 21, 2022
At nito ngang Huwebes, September 22 ay naglabas na nga ng saloobin si Eva sa kanyang mga naramdaman matapos muling mapanood at mabalikan ang nangyari noon.
Pagkukwento niya, matapos mapanood ang latest episode ng “Drag Race PH” ay halu-halo na kanyang naging emosyon at aminado naman siya na naging trauma sa kanya ang naging komento ni Rajo.
Ngunit sa kabila noon ay nagpapasalamat siya sa lahat ng mga nagpakita sa kanya ng suporta at mensahe sa kanya.
“Perhaps, the hardest part of it all was to see myself on screen ans feel na maawa ka sa sarili mo. Ngl (Not gonna lie), I was bleeding inside enduring the critiques and lipsyncing against one of my closest friends. Pero we all signed up for this and that’s the way it is,” saad ni Eva.
Dagdag pa niya, “What I want to say is, words have power. Imagine a piece of your soul die and give up on what makes you come alive. It only takes seconds to utter words that damage a person for a lifetime.”
Sa kabila nito ay inamin naman ni Eva na nag-reach out na sa kanya si Rajo at nag-apologize sa mga nangyari.
Nagbigay rin siya ng mensahe sa Filipino designer at hiniling na sana’y matuloy na ang kanilang dinner at inuman.
“To Sir Rajo, thank you for reaching out and patching things up. In better days, let’s have that nice dinner and drinks!” sey ni Eva.
Paalala pa niya, “May we all always choose kindness everyday.”
Tila may kaugnayan naman sa mga naganap sa nakalipas na araw ang latest tweet ng fashion designer.
Ani Rajo, “Lahat naman tayo nagkakamali. Ang importante alamin Kung papaano natin Maitawad, magagampanan, maiayos, maituwid, maitama ito.”
Related Chika:
Rajo Laurel bugbog sarado sa mga netizens dahil sa ‘trash’ comment sa ‘Drag Race PH’
#MABU-HEYYY: Paolo Ballesteros napiling host ng ‘Drag Race PH, mga beki nagpiyesta
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.