Vicki Belo sa panggagaya sa kanya ng 'Drag Race PH' contestant: I don't know whether to be angry or flattered Bandera

Vicki Belo sa panggagaya sa kanya ng ‘Drag Race PH’ contestant: I don’t know whether to be angry or flattered

Therese Arceo |September 17,2022
share this

Vicki Belo sa panggagaya sa kanya ng ‘Drag Race PH’ contestant: I don’t know whether to be angry or flattered

Therese Arceo - September 17, 2022 - 06:39 PM

Dra. Vicki Belo sa panggagaya sa kanya ng 'Drag Race PH' contestant: I don't know whether to be angry or flattered

NAG-REACT ang celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo sa pag-i-impersonate sa kanya ng isa sa mga contestant ng reality show na “Drag Race Philippines”.

Sa naging “Snatch Game” episode ng naturang show na ipinalabas nitong Miyerkules, Setyembre 14, pinapili ang mga drag race queens kung sino sa mga sikat na celebrities ang nais nilang gayahin.

At ang napili nga ni Xilhouete ay si Dra. Vicki Belo. Isa sa mga rules sa challenge ay ang mapatawa ang mga judges sa pamamagitan ng pag-i-impersonate at pagsagot sa mga tanong na ibabato ng host na si Paolo Ballesteros.

Kaya naman hindi kataka-taka nang agad itong mag-viral sa social media dahil talagang super funny ng naging panggagaya ni Xilhouete sa celebrity doctor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo)

Ang ganap kasi ng “Drag Race PH” contestant ay kunyari makakalimutin ito at hindi na makagalaw dahil sa dami ng kanyang “injections at medications”.

At dahil nga sa galing ng pag-impersonate ni Xilhouete kay Dra. Vicki at nagresulta ng pagkakapanalo nito at pagkakaroon ng Ru Badge.

Dahil nga nag-viral na ang ilang mga clips mula sa huling episode ng “Drag Race PH” ay napa-react na rin ang celebrity doctor at ibinahagi ito sa kanyang social media accounts.

“Ang funny, right? [laughing emoji] congrats Xilhouete on your ru badge and so glad it was with me,” saad ni Dra. Vicki.

Chika pa ng doktor, halo halo raw ang pakiramdam niya sa impersonation sa kanya.

“Okay, guys, that was really funny. I don’t know whether to be angry or flattered. But I will choose flattered because I know you have to be famous to be impersonated. Congratulations, Xilhouete, for winning and for impersonating me very well,” lahad ni Dra. Vicki.

Pahabol pa niya, “By the way, guys, I can move, ha?” sabay galaw at kindat.

Nag-react rin si Paolo sa post ni Dra. Vicki.

“Labyu Doc!” sey ni Paolo.

Pinuri naman ng mga netizens ang pagiging “sport” nito sa naturang impersonation sa kanya ng “Drag Race Philippines” contestant kaya naman mas lalo siyang nagustuhan ng mga netizens.

Related Chika:
Glam-up transformation ni Vicki Belo patok sa netizens: ‘Love it!’

#MABU-HEYYY: Paolo Ballesteros napiling host ng ‘Drag Race PH, mga beki nagpiyesta

Andrea Brillantes naloka sa regalo ni Dra. Vicki Belo

‘Natatawa ako sa sarili ko kasi kapag may nagre-Regine nako-confuse na ‘ko!’ – Songbird

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending