Vice super proud sa 'Drag Race PH' contestants, pinuri si Paolo: 'Gising na gising, buhay na buhay ang mga bakla!' Bandera

Vice super proud sa ‘Drag Race PH’ contestants, pinuri si Paolo: ‘Gising na gising, buhay na buhay ang mga bakla!’

Ervin Santiago |September 14,2022
share this

Vice super proud sa ‘Drag Race PH’ contestants, pinuri si Paolo: ‘Gising na gising, buhay na buhay ang mga bakla!’

Ervin Santiago - September 14, 2022 - 09:30 AM

Vice Ganda at Paolo Ballesteros

KAISA ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda sa lahat ng miyembro ng LGBTQIA+ community na nagbubunyi sa tagumpay ng “Drag Race Philippines.”

Tuwang-tuwa at proud na proud ang TV host-comedian sa mga contestants at sa lahat ng taong involved sa nasabing reality series na talaga namang laging trending every week. 

“It’s a win for the community na magkaroon ng franchise ng ‘Drag Race’ dito sa Pilipinas. 

“Tuwing may lalabas na bagong episode, parang may Miss Universe na nagaganap. Gising na gising, buhay na buhay ang mga bakla, ang buong komunidad,” ang pahayag ni Vice sa panayam ng ABS-CBN.

Aniya, ito na ang tamang panahon para mabigyan ng bonggang pagkilala sa larangan ng performing arts sa Pilipinas ang mga drag queens sa bansa. 

“Masayang-masaya, buhay na buhay ang espiritu at nakakatuwa na isho-showcase ‘tong husay nung mga Filipino performers.

“Hindi mo mamemenos ‘yung husay ng Filipino performers. ‘Yung drag scene sa Pilipinas, hindi siya bago pero it’s due time na mapaingay pa natin lalo ‘yung industriya na ito,” mariing pahayag ng komedyante.

Super impressed daw talaga ang TV host sa lahat ng contestants ng show na nakasama na niya sa kanyang “Unkaboga-Ball”. Ito yung event na in-organize niya last year para sa members ng LGBTQIA+ community. 


“Ang gagaling talaga nila. Kahit ‘yung mga unang natatanggal, ang gagaling pa rin. Lahat sila invited du’n sa ‘Unkaboga-Ball’ na magaganap sa December 10,” aniya pa.

Samantala, binati rin niya si Paolo Ballesteros dahil sa galing nito bilang host ng “Drag Race Philippines.” 

Pero agad nang nagsabi si Vice na baka raw hindi siya mapanood sa unang season ng show bilang judge at looking forward siya na umapir sa next season.

‘Natatawa ako sa sarili ko kasi kapag may nagre-Regine nako-confuse na ‘ko!’ – Songbird

#MABU-HEYYY: Paolo Ballesteros napiling host ng ‘Drag Race PH, mga beki nagpiyesta

Ice Seguerra sa lahat ng Drag Race PH contestants: Jusko! Feeling ko, anak ko kayong lahat!

Nadine tuloy ang concert para sa mga Golden Gays, drag queens: You are loved and valued!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending