Rajo Laurel bugbog sarado sa mga netizens dahil sa 'trash' comment sa 'Drag Race PH' Bandera

Rajo Laurel bugbog sarado sa mga netizens dahil sa ‘trash’ comment sa ‘Drag Race PH’

Therese Arceo |September 23,2022
share this

Rajo Laurel bugbog sarado sa mga netizens dahil sa ‘trash’ comment sa ‘Drag Race PH’

Therese Arceo - September 23, 2022 - 04:20 PM

Rajo Laurel bugbog sarado sa mga netizens dahil sa 'trash' comment sa 'Drag Race PH'
GALIT na galit ang mga netizens matapos mapanood at mapakinggan “constructive criticisms” ng world-renowed Filipino designer na si Rajo Laurel sa isa sa mga “Drag Race Philippines” contestant na si Eva Le Queen.

Sa latest episode nga ng naturang reality drag show ay kinailangan mag-prepare ng mga drag queens ng two looks para sa maxi-challenge na “Shopulence, she buys everything” kung saan magmimistula silang mag-ala Heart Evangelista na mamimili ng corned beef at ang “Divi divas” naman kung saan kailangan nilang gumawa ng kanilang outfit mula sa mga materyales galing Divisoria.

At nang dumating na nga sa parte ng judgement ay diretsahang tinawag na “trash” ni Rajo ang naging look ni Eva sa “Divi Divas”.

“I’m fierce because I know you can do better. I am being hard because I have seen what you can do. Then this is trash,” saad ng fashion designer.

Maski ang mga ibang judge at maging ang host na si Paolo Ballesteros ay napa-“ohh” nang marinig ang mga harsh comments ni Rajo kay Eva Le Queen.

Sa kabila ng mga hindi kaaya-ayang komento ng Filipino designer ay nanatili namang kalmado ang “Drag Race PH” contestant.

Sa Twitter world nga ay hindi na napigilan ng mga netizens ang ipahayag ang kanilang disgusto sa mga sinabi ni Rajo.

“Why is #DragRacePH obsessed with hiring guest judges or choreographers who are extra harsh just to make the contestants even more stressed bc its not even constructive criticism theyre giving its just plain insults,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “You are THE RAJO LAUREL for a reason, but it’s okay to admit you made a wrong call. It wasn’t trash. You of all people should know that it was at the height of pandemic that time. I hope you learn to be kind especially to your own community.”

“Is this how you’re supposed to give constructive criticisms? Or inspire Eva Le Queen to do better? These do not help at all. Sana ikaw yung sumama sa Werk Room and not Jiggly,” sabi pa ng isa.

“Rajo Laurel is disgusting. We all know that @eva_lequeen ‘s outfit was not trash but there are really mishaps to the proportion due to the materials being hard. The outfit was not made via proper fashion method,” hirit pa ng isa.

Nagsalita naman ang Filipino designer matapos mag-trending at ipinaliwanag ang kanyang sarili.

“My judgments on @dragraceph will always stem from a place of Love! It will never come from being hurtful, mean nor evilu, I only want the BEST from our queens, the best from the Philippines! #dragraceph,” saad ni Rajo.

Gayunpaman, marami pa rin ang hindi natuwa kahit na nagpaliwanag na ito at sinabing maaari pa rin namang mag-comment nang hindi nanghahamak ng tao.

Related Chika:
#MABU-HEYYY: Paolo Ballesteros napiling host ng ‘Drag Race PH, mga beki nagpiyesta

Vicki Belo sa panggagaya sa kanya ng ‘Drag Race PH’ contestant: I don’t know whether to be angry or flattered

Vice super proud sa ‘Drag Race PH’ contestants, pinuri si Paolo: ‘Gising na gising, buhay na buhay ang mga bakla!’

Ice Seguerra sa lahat ng Drag Race PH contestants: Jusko! Feeling ko, anak ko kayong lahat!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending