Ice Seguerra sa lahat ng Drag Race PH contestants: Jusko! Feeling ko, anak ko kayong lahat! Bandera

Ice Seguerra sa lahat ng Drag Race PH contestants: Jusko! Feeling ko, anak ko kayong lahat!

Ervin Santiago |August 21,2022
share this

Ice Seguerra sa lahat ng Drag Race PH contestants: Jusko! Feeling ko, anak ko kayong lahat!

Ervin Santiago - August 21, 2022 - 08:24 AM

Ice Seguerra, Liza Dino at ang ilan sa ‘Drag Race Philippines’ contestants

“JUSKO, feeling ko, anak ko kayong lahat!” Ito ang bahagi ng mensahe ni Ice Seguerra sa lahat ng contestants ng bonggang-bonggang LGBTQIA+ reality show na “Drag Race Philippines.”

Si Ice ang isa sa mga napiling direktor ng “DRP” to be hosted by “Eat Bulaga” Dabarkads and award-winning actor Paolo Ballesteros.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Ice ang kanyang saloobin tungkol sa mga drag queen contestants ng show na aniya’y itinuturing na rin niyang parang mga anak.

Sey ni Ice sa kanyang caption, “When I signed up as #DRAGRACEPH co-director, being a fan of the show, alam ko na mag eenjoy ako sa trabaho na ‘to. But I never expected this to be so much more.

“I never thought I’d care for all of you and love you this much. Jusko, feeling ko, anak ko kayong lahat. There’s nothing I want more than to see you shine. I want to be there and support all of you every step of the way, in any way I can.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra)


“Kaya kung masaya kayo, mas masaya ako para sa inyo. Masaya akong unti-unti niyo nang naaabot ang mga pangarap ninyo,” pahayag ng butihing asawa ni Liza Dino.

Pagpapatuloy pa ng aktor at OPM icon, “Marami pa kayong pagdadaanan but you can be rest assured I will always be here rooting for you (at kung kailangan kayong pagsabihan, andito rin ako).

“Shine on, my dearest Queens! This is the beginning of the rest of your lives.

“I love you all so much!” aniya pa.

Samantala, ibinandera naman sa publiko ni Liza na dating chairperson ng Film Development Council of the Philippines, kung gaano siya ka-proud sa kanyang husband.

Nagbahagi si Liza ng litrato nila ni Ice sa Instagram kasama ang ilang contestants ng “Drag Race Philippines” na may caption na, “Yup. Cat’s out of the bag. My husband, Íce Diño Seguerra , is the director of Drag Race Philippines ‘Untucked’ series and all the werkroom scenes of Drag Race Philippines (main show).

“I feel nothing but pride as you embrace this new path as a director. Grabe ka din magpasabog. Directorial debut mo pa lang eh global na, tapos reality series pa. To top it all off, paborito pa nating show. Waaaah!” pahayag pa ng aktres at dating beauty queen.

Dagdag pa niya, “I remember when you told us about this amazing news, sigaw tayo ng sigaw sa loob ng van with Amara pero di natin mashare sa iba so ang hirap. Haha! We were so excited kasi mga Ru Paul’s Drag Race fans tayong lahat. Wooooow!”

Bago ang “DRP”, si Ice rin ang nagdirek ng virtual 4th edition ng The EDDYS o Entertainment Editors’ Awards.

#MABU-HEYYY: Paolo Ballesteros napiling host ng ‘Drag Race PH, mga beki nagpiyesta

Pangarap ni Ice Seguerra na makapagdirek natupad na: Sa totoo lang, akala ko hindi na magkakatotoo

Kim Chiu mahilig mag-join sa iba’t ibang klase ng race, may gustong patunayan sa sarili

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending