Mga ‘iska’ sa AFDQ search isinulong ang pondo sa edukasyon
GUMUGULONG na ang paghahanap sa 2022 Aliwan Fiesta Digital Queen (AFDQ) at ipinakilala na ng organizer na Manila Broadcasting Co. (MBC) ang 12 finalists na nagtatagisan para sa korona ngayong taon. Kabilang sa kanila ang dalawang alumnae ng University of the Philippines (UP)—sina Maica Cabling Martinez ng Nueva Ecija, at Dana Gabrielle Tautho ng Davao City.
Kasama ng dalawa ang mga kapwa finalists sa isang virtual press conference noong Set. 15, kung saan dumalo rin ang reigning queen na si Shanyl Kayle Hofer mula Minglanilla, Cebu.
Tinaong ng Inquirer sa dalawang “iskolar ng bayan” kung ano ang saloobin nila sa panukalng pagkaltas ng budget ng UP sa General Appropriations Act of 2023 na nakahain sa Kongreso.
Sa ilalim ng panukalang hinain ng Department of Budget and Mangement, P23.1 bilyon ang nakalaan para sa UP sa susunod na taon, mas mababa nang P2.5 bilyon mula sa kasalukuyang budget na P25.6 bilyon. Dahil dito, mababawasan din nang P893 milyon ang budget ng Philippine General Hospital (PGH), na nasa ilalim ng pangangasiwa ng state university.
“We should put high priority on education. Especially as [a scholar] I’ve seen how important facilities, classrooms, and materials are, they have an impact on learning and the youth,” sinabi ni Martinez, na nagtapos ng broadcasting communication sa UP Diliman at kasalukuyang nagtratrabaho sa pamahalaan.
“As an ‘iskolar ng bayan,” I know the importance of education, especially to the youth, and shape the future leaders of our country,” pagpapatuloy ni Cabling, na muling nag-aaral sa UP Diliman upang makakuha ng master’s degree in anthropology.
Para naman kay Tautho, “government should give importance to education. It is important to have access to education.”
May master’s degree in urban planning mula sa UP ang licensed geologist, na kasalukuyang nag-aaral sa Ateneo de Davao University upang magkamit ng doctorate in development studies.
“Not having the privilege or having comfort to go to school and having things complete, for me it is very important that we invest in education,” dinagdag pa ni Tautho, na isang environmental consultant para sa Ridge to Reef, at sinusuportahan din ang Council of Elders ng Matigsalug Tribe sa Marilog District.
Ipinakilala ang 12 AFDQ finalists sa pageant primer na “Journey to the Crown,” sa unang episode na “Meet the Queens” na pinalabas sa lahat ng digital platforms ng MBC at sa Facebook page ng Aliwan Fiesta noong Set. 17.
Alamin ang kanilang mga adbokasiya at mga paninindigan sa ikalawang episode ng primer na “Queens for a Cause” na mapapanood sa Set. 24. At sa Okt. 1 naman, panoorin ang ikatlong episode na “The Making of a Queen” kasama ang pageant mentor na si Rodgil Flores ng “Kagandahang Flores” beauty camp.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.