Marian sa pagpapalaki sa 2 anak: Itinuturo ko na OK lang magkamali, ang importante you try again and learn from your mistakes | Bandera

Marian sa pagpapalaki sa 2 anak: Itinuturo ko na OK lang magkamali, ang importante you try again and learn from your mistakes

Ervin Santiago - September 18, 2022 - 07:22 AM

Marian Rivera,Dingdong Dantes, Zia at Ziggy Dantes

HINAHAYAAN lang ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes na sumablay at magkamali sa mga bagay-bagay na ginagawa nila sa loob at labas ng bahay.

Naniniwala ang Kapuso celebrity couple na bahagi ito ng kanilang pagiging bata at siguradong maraming matututunan sina Zia at Ziggy mula sa kanilang pagkakamali.

Ayon nga kina Yanyan at Dong, sa edad ng kanilang dalawang anak, ang kailangan mga ito ay 100 percent support “in order for them to grow and develop at their best.”

Sa edad ngayon nina Zia at Ziggy siguradong unti-unti nang nang nagiging independent ang mga ito at mas nagiging observant na sa ugali at kilos ng mga taong nasa paligid nila.

Ayon kay Marian, sinisiguro niya na kapag nagkakamali ang mga anak ay naipapaliwang niyang mabuti kung bakit mali ang nagawa nila at kung paano ito maitatama.

“Ine-explain ko sa kanila what happened and bakit mali iyon. Ipinapakita ko rin sa kanila kung ano ang tama.

“Kasi ‘yung mga bata, natututo at kinokopya ‘yung ginagawa ng mga nasa paligid nila. Especially tayong parents, the children copy us. Kaya I teach by example,” sey ni Marian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)


“Pinapalaki ko si Zia and si Sixto with support and encouragement. Pinapabayaan ko silang i-solve nila ang mga challenges nila.

“Itinuturo ko na okay lang magkamali, ang importante is kapag nagkamali ka, you try again, na they learn from their mistakes,” sey pa ng Kapuso Primetime Queen.

Sey pa ng Kapuso TV host-actress, kapag feeling safe and supported ang mga bata magiging mas confident at matapang sila to try new things.

“Pinaparamdam ko sa kanila na safe sila, na nandito ako kapag nagkamali sila, na kasama nila ako sa new experiences nila,” lahad pa ng celebrity mommy.

https://bandera.inquirer.net/290392/bea-ingat-na-ingat-ngayon-sa-relasyon-nila-ni-dominic-nakakahiyang-paulit-ulit-magkamali
https://bandera.inquirer.net/281220/kelvin-miranda-nanghinayang-sa-nakaraan-gusto-kong-balikan-yung-oras-na-natakot-akong-magkamali

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/306502/lauren-dyogi-dedma-muna-sa-mga-umalis-na-kapamilya-mas-importante-yung-mga-kasama-ko-ngayon-sa-hirap-at-ginhawa
https://bandera.inquirer.net/312660/rochelle-pangilinan-nanindigan-sa-kanyang-kandidato-isa-rin-siyang-ina-gaya-ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending