Catriona Gray nagpaliwanag kung bakit biglang nawala sa socmed: 'I've been really ill...' | Bandera

Catriona Gray nagpaliwanag kung bakit biglang nawala sa socmed: ‘I’ve been really ill…’

Ervin Santiago |September 15,2022
facebook
share this

Catriona Gray nagpaliwanag kung bakit biglang nawala sa socmed: ‘I’ve been really ill…’

Ervin Santiago - September 15, 2022 - 06:50 PM

Catriona Gray

NAGPALIWANAG si Miss Universe 2018 Catriona Gray kung bakit “missing in action” siya sa mga kaganapan sa entertainment industry nitong mga nakaraang araw.

Ibinalita ng beauty queen at TV host na tinamaan siya ng matinding karamdaman kamakailan at ngayon lang bumubuti ang kanyang kalagayan.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, inamin ni Catriona na nagkasakit siya kaya hindi siya masyadong masyadong visible sa mga showbiz events at iba pang mahahalagang ganap.

Wala namang nabanggit ang girlfriend ni Sam Milby kung ano ang kanyang naging karamdaman at kung ano na ang eksaktong estado ng health condition niya ngayon.

“Been MIA the last couple days ’cause I’ve been really ill, but am popping on the feed to say hi,” ang caption ni Catriona sa ipinost niyang litrato sa Instagram.

View this post on Instagram

A post shared by Catriona Gray (@catriona_gray)


Makikita sa photo ang dalaga na nakaupo sa hagdan katabi ang napakalaking bouquet of flowers na bigay da kanya ni Erickson Raymundo, ang may-ari ng talent agency na Cornerstone na siyang nangangalaga sa career ni Catriona.

“I’ll be back to usual programming soon,” ang bahagi pa ng caption ng TV host.

Ang huli pang post ni Cat sa IG ay noong pang nakaraang linggo kaya naman marami ang nagtatanong kung bakit ilang araw nang walang bagong post ang dalaga sa kanyang social media accounts.

Bumuhos naman ang mga mensahe mula sa kanyang IG followers kabilang na ang mga kaibigan niya sa showbiz.

“Love you and get better, babe,” ang komento ng kapwa niya beauty queen na si Sandra Lemonon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hope you feel amazing soon,” ang mensahe kay Catriona ni Vicki Belo.

Catriona Gray, Sam Milby ikakasal na nga ba?

Catriona Gray binalikan ang Miss Universe journey: Please, just never, ever give up

Pauleen nagpaliwanag kung bakit walang face mask si Tali sa kanilang ‘field day’ photo

Neri, Chito binanatan ng nagmamaasim na basher, tinawag na mayabang: Ngayon lang kasi nakatikim ng kaginhawaan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending