Star Magic nagbabala sa publiko laban sa mga scammer na nanghihingi ng pera sa mga gustong mag-audition
BINIGYAN ng warning ng Star Magic ang publiko laban sa ilang scammer na nanloloko gamit ang nasabing talent management company ng ABS-CBN.
Pinaalalahanan ng mga taga-Star Magic ang lahat na huwag magbibigay o magbabayad ng kahit magkano sa mga taong nagpapanggap na empleyado o staff nila.
Sa isang official statement, ipinagdiinan ng Star Magic na wala silang “monetary compensation” na sinisingil kapalit ng isinasagawa nilang auditions.
Ito’y matapos nga silang makatanggap ng mga reklamo laban sa mga scammer na fake employees ng Star Magic na naniningil daw ng processing fee para sa mga pumupunta sa go-see at audition.
Sa official Instagram account ng nasabing talent management ng Kapamilya Network, nag-post ang SM last Monday, September 12, ng babala sa madlang pipol laban sa mga scammer.
“We would like to warn the public that there are people falsely claiming to be part of Star Magic Workshops and offering services such as go-sees and auditions.
“Star Magic workshops will not conduct any kind of audition that offers monetary compensation. We will not also ask for payment in joining auditions.
“We strongly condemn these actions and will take all legal steps to prevent the spread of false information.
“All Star Magic Workshops transactions are done through our official social media accounts and business emails.
“Be wary of people posing as official Star Magic Workshops’ coordinators, coaches teachers, directors and agents,” ang buong pahayag ng Star Magic.
Nag-react naman dito ang Star Magic artist at award-winning actor na si John Arcilla. Aniya hindi raw siya makapaniwala na hanggang sa ngayon ay may mga tao pa ring nasisikmurang manloko ng kapwa.
https://bandera.inquirer.net/288243/heart-binalikan-ang-pagkawala-ng-kambal-nila-ni-chiz-worst-day-of-my-life
https://bandera.inquirer.net/294350/janus-del-prado-biktima-ng-scam-may-warning-sa-madlang-pipol
https://bandera.inquirer.net/295651/willie-tinawag-na-scammer-ng-bagong-panganak-na-ginang-sige-scam-pa-manloko-ka-pa
https://bandera.inquirer.net/313403/malilisyosong-post-ni-andrea-sa-socmed-peke-talent-manager-nagbanta-sa-poser-at-nagse-share
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.