Pinoy gustong baliin ang ‘stereotype’ sa male pageants | Bandera

Pinoy gustong baliin ang ‘stereotype’ sa male pageants

Armin P. Adina - September 14, 2022 - 02:56 PM

Pinoy gustong baliin ang ‘stereotype’ sa male pageants

Mister Tourism International Philippines Kitt Cortez/ARMIN P. ADINA

PAGKAHIRAG kay Kitt Cortez bilang third runner-up sa 2022 Mister International Philippines pageant nitong Hunyo, alam na niyang ire-represent niya ang bansa sa isang pandaigdigang patimpalak kalaunan.

At ngayong natanggap na niya ang kaniyang overseas assignment, sinabi niyang nais niyang gamitin ang pagkakataon upang maiangat ang imahe ng male pageantry.

“I’m aware that there is a stereotype on male pageantry, saying that ‘substance’ is not always there. That’s what I want to bring on the international platform” sinabi niya sa Inquirer sa isang “sashing ceremony” sa Novotel Manila Araneta City sa Quezon City noong Set. 8, kung saan opisyal na ginawaran ng Mister International Philippines (MIPH) organization ng national titles ang apat na runnes-up at isang finalist.

Tinanggap ni Cortez ang titulong Mister Tourism International Philippines, at tutulak sa Indonesia sa Nobyembre para sa 2022 Mister Tourism International pageant. “I want to be a representative of all Filipinos, that even though we are good looking, even though we can represent ourselves physically, we also have substance and we are worth listening to,” aniya.

“Not too shocked” daw siya nang mabigyan ng pagkakataong sumali abroad sapagkat agad itong ipinagbigay-alam sa kanila ng MIPH pagkatapos ng coronation night nitong Hunyo. Ngunit nang ibinahagi na ng pangulo ng organisasyon, ang abogadong si Manuel Deldio, kung saan siya sasali, sinabi ni Cortez na “I’m more than happy and excited to be able to take my talents and skills to the international platform.”

Kung magwawagi, umaasa si Cortez na magagamit ang titulo bilang Mister Tourism International “to promote our tourism spots here in the Philippines, to live up to the name of the title, and of course, to be able to be a role model to all Filipinos, especially the youth, to empower them.”

Maliban sa kanya, apat na ginoo pa ang ginawaran ng mga titulo ng MIPH—sina first runner-up Mark Avendaño bilang Mister Global Philippines, second runner-up Michael Ver Comaling bilang Mister National Universe Philippines, fourth runner-up Andre Cue bilang Caballero Universal Filipinas, at finalist John Ernest Tanting bilang Mister Beauté Internationale Philippines.

Magkakaroon din si Tanting ng katambal na babae na sasama sa kanya sa Miss and Mister Beauté Internationale pageant sa Turkiye. Magpapatawag ang MIPH ng auditions para sa babaeng kinatawan ng bansa ngayong buwan.

Si Mister International Philippines Myron Jude Ordillano ang unang sasalang mula sa “Team Philippines.” Sasabak siya sa ika-14 edisyon ng Bangkok-based na Mister International pageant, na itatanghal sa Pilipinas sa susunod na buwan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending