Kyle Echarri never makakalimutan si Zanjoe Marudo; Andrea Brillantes na-challenge sa pagpunta sa US dahil hindi kasama ang nanay
HINDING-HINDI malilimutan ng Kapamilya young singer-actor na si Kyle Echarri si Zanjoe Marudo nang magkasama sila sa “Beyond The Stars” tour sa Amerika.
Isa raw kasi ‘yun sa pinaka-memorable trip niya sa ibang bansa kung saan nakasama niya ang ilan sa mga kaibigan at katrabaho niya sa Star Magic ng ABS-CBN.
Aniya, parang nagbakasyon din daw siya sa US kasama ang kanyang pamilya, dahil bonding kung bonding nga ang ginawa nila kasabay ng pagtatrabaho.
“It really brought us together as a family. Araw-araw kaming nagkikita, tapos nasa ibang bansa pa po kami. We see different side of each other and it felt like a big family trip,” pahayag ni Kyle sa interview ng Star Magic Inside News.
View this post on Instagram
Aniya, ang most memorable experience niya sa nasabing event ay ang pag-iikot niya sa New York kasama ang kapwa Kapamilya artist na si Zanjoe Marudo.
“Pinaka-memorable po siguro ‘yung experience namin ni Z, ni Zanjoe, because he was my roommate and we did a lot of different things.
“We were really able to experience New York. I was able to experience New York because of Z because he brought me everywhere he went and it was a lot of fun,” sabi ng binata.
Dugtong pa ng aktor, “We have a lot in common eh, our interests. There wasn’t a single night that I didn’t go to sleep laughing so much kasi dami niyang joke. Sa totoo lang nakita po ng lahat ng mga artists na kasama po sa tour ‘yung comedy ng isang Zanjoe Marudo.”
Tungkol naman sa pagpe-perform nila sa Central Park, “Sobra po akong masaya nu’n. I was able to do busking in New York and not just anywhere in New York but Central Park.
“I was able to sing for different people. It’s a lot of fun. Medyo I was even nervous, medyo nanginig po ‘yung kamay ko nung kumakanta ako pero I’m happy,” aniya.
Samantala, para naman kay Andrea Brillantes, “fun experience” ang pagtungo nila sa US and at the same time “challenging” dahil first time niyang mag-travel na hindi kasama ang kanyang nanay.
“Masaya po siya, nag-enjoy ako. Siyempre first time ako napasali sa Star Magic tour so maraming nangyari, medyo mahirap po kasi first time ko rin mag-travel mag-isa na wala ‘yung mommy ko or wala akong relative with me.
View this post on Instagram
“Although masaya naman ako na kasama ko ‘yung friends ko pero siyempre iba pa rin if may kasama akong pamilya, di ba? Na-enjoy ko siya, medyo challenging lang, pero masaya at worth it,” chika ni Andrea.
Ang pagpe-perform naman sa New York’s Kings Theatre ang most memorable experience niya sa Star Magic tour, “Nu’ng pumunta na kami sa Kings Theatre sa New York kasi nu’ng nakita ko kakaiba siya, ‘yung napapanood mo sa mga movies, sa mga musical, pang-opera ganu’n ‘yung pinerforman namin.
“So, sobra akong na-overwhelm sa saya and sobrang grateful ako na makakapag-perform ako doon kasi never ko namang hiniling na mag-perform sa New York.
“Gusto ko lang makapunta sa New York at ayun nakapag-perform pa ako sa New York kaya sobrang saya ko lang po talaga,” sey pa ni Andrea sa nasabing panayam.
https://bandera.inquirer.net/318382/wish-ni-zanjoe-sana-ang-maalala-ng-tao-ay-yung-simpleng-taga-probinsya-na-naabot-ang-mga-pangarap-niya-dahil
https://bandera.inquirer.net/293703/zanjoe-15-years-na-sa-showbiz-ang-tagal-na-pala-mahal-na-mahal-ko-yung-ginagawa-ko
https://bandera.inquirer.net/295377/zanjoe-habang-nagte-taping-ng-serye-para-kayong-namboboso-ganun-yung-naramdaman-ko
https://bandera.inquirer.net/306447/zanjoe-super-loyal-pa-rin-sa-abs-cbn-star-magic-hindi-yun-mababayaran-ng-kahit-ano
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.