'Backdoor entry' ng Grab sa motorcycle taxi pilot pinaiimbestigahan | Bandera

‘Backdoor entry’ ng Grab sa motorcycle taxi pilot pinaiimbestigahan

Dennis Gutierrez - September 13, 2022 - 06:03 PM

ISANG grupo ng mga abogado at  mga kumakatawan sa mga transport consumers ang humiling na imbestigahan ang mistulang “backdoor” entry ng Grab Philippines sa pilot run ng gobyerno sa mga motorcycle taxi sa pamamagitan ng pagbili nito sa Move It.

Isa ang Move It, kasama ang Joy Ride at Angkas na nabigyan ng pansamantalang akreditasyon na mag-operate habang pinag-aaralan ang sa pagsasabatas ng kanila mga operasyon.

Ang Lawyers for Commuters Safety and Protection o LCSP founder na si Atty. Ariel Inton, kasama sa apat na iba pang mga grupo ay nagpahayag ng kanilang pangamba na ang pagbebenta ng Move It ay maaaring mapatunayang hindi kapaki-pakinabang sa mga consumer at rider.

Nilinaw ni Atty. Inton na hindi tutol ang LCSP at ang iba pang kasamang grupo sa pagpasok ng mga bagong manlalaro sa industriya.

Kaniyang iginiit na ang pagpasok ni Grab sa pamamagitan ni Move It ay dapat mangyari lamang kapag natapos na ang pilot run at nakabalangkas na ang mga tamang regulasyon at panuntunan para matiyak na ang mga sumasakay ay protektado.

“Sa kasalukuyan, napagalaman na marami pang mga nakabinbin na pagsunod at mga hinaing galling sa mga drivers ng Grab na di pa nareresolba.

“Ayon sa datos, hindi pa rin lubusang nakakasunod ang Grab sa direktiba ng Philippine Competition Commission na isauli sa mga gumagamit ng app ang sobrang siningil. Umabot sa PhP24.45M ang ipinababalik ng komisyon sa mga pasahero ng Grab.” Ani ni Gustillo

Sinabi ni Ronald Gustilo, ang National Campaigner ng Digital Pinoys na ang tila “backdoor” entry ng Grab sa pag-aaral ng motorcycle taxi pilot na isinagawa ng gobyerno ay makapipinsala sa kapakanan ng riding public. Ang grupo nila ay nakikiisa sa sa mungkahi at pangamba na maulit ang nangyari noong 2018, nang naibagbili ang Uber sa Grab.

“Nagbigay ang TNVS at motorcycle taxi nang mas maginhawang opsyon para sa mga commuters. Gayunpaman, nangangamba kami na sa backdoor entry ng Grab, malalagay sa alanganin ang pilot testing at tataas ang pamasahe,” ani ni Gustilo.

Sinabi pa ni Gustilo, “Inutusan ng Philippine Competition Commission ang Grab na i-refund ang mga commuters para sa sobrang presyo. Grab ay nakapag-refund pa lamang ng P6.15 milyon sa mahigit P25M.

“Kung magagawa ito ng Grab sa TNVS at sa mga pasahero, paano tayo makatitiyak na hindi nila gagawin ang parehong overpricing at overcharging sa mga motorcycle taxi?” aniya pa.

Taimtim na kahilingan ng apat na transport at consumer groups na ang pagbebenta ng Move It sa Grab ay dapat suriin din ng Metro Manila Development Committee ng House of Representatives upang matiyak na walang mangyayaring unwarranted fare hikes at upang maprotektahan din ang kapakanan di lamang ng mga sumasakay kundi pati na rin ang Karapatan ng mga rider.

Binigyang-diin ng National Campaigner na ang hakbang na ito na minumungkahi ng iba pang mga civic group ay hindi laban sa kompetisyon, kontra sa mga pahayag ng Move It.

Mariing iginiit ni Gustilo na bilang civic at consumer groups, lahat sila ay para sa pagpapanatili ng integridad at fair play ng pilot test ng gobyerno para sa mga serbisyo ng motorcycle taxi. At ang sinusubukang gawin ng Grab and Move It ay nagpapahina sa mismong prinsipyong ito.

Iba pang balita:

https://bandera.inquirer.net/323854/boluntaryong-paggamit-ng-face-mask-sa-open-spaces-aprubado-na-ni-pangulong-marcos

https://bandera.inquirer.net/323346/pagbabayad-ng-buwis-sa-caloocan-city-online-na

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/319429/robinhood-padilla-nais-gawing-legal-ang-paggamit-ng-medical-marijuana

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending