Bet ng Cambodia sa Miss Universe kinilig nang ikumpara kay Megan Young | Bandera

Bet ng Cambodia sa Miss Universe kinilig nang ikumpara kay Megan Young

Armin P. Adina - September 12, 2022 - 04:11 PM

Pinagigitnaan si Miss Universe Cambodia Manita Hang nina (mula kaliwa) Caballero Universal Filipinas Andre Cue, Mister Beauté Internationale Philippines John Ernest Tanting, Mister Tourism International Philippines Kitt Cortez, Mister International Philippines Myron Jude Ordillano, Mister Global Philippines Mark Avendaño, at Mister National Universe Philippines Michael Ver Comaling

Pinagigitnaan si Miss Universe Cambodia Manita Hang nina (mula kaliwa) Caballero Universal Filipinas Andre Cue, Mister Beauté Internationale Philippines John Ernest Tanting, Mister Tourism International Philippines Kitt Cortez, Mister International Philippines Myron Jude Ordillano, Mister Global Philippines Mark Avendaño, at Mister National Universe Philippines Michael Ver Comaling./ARMIN P. ADINA

Si Manita Hang ang kinatawan ng Cambodia para sa Miss Universe pageant, ngunit nakatatanggap siya ng paghahambing sa isang reynang nagmula sa ibang bansa at nagwagi sa ibang patimpalak—si 2013 Miss World Megan Young mula sa Pilipinas.

Sinabi ng 24-taong-gulang na accounting and finance graduate mula Phnom Penh na mula nang sumalang siya sa una niyang pageant noong 2016, naririnig na niya ito. Kinakikiligan naman niya ang naturang paghahambing.

Miss Universe Cambodia Manita Hang

Miss Universe Cambodia Manita Hang/ARMIN P. ADINA

“It actually feels good because she is a beauty queen. And so this is very important to me that actually I’m a lookalike because she’s actually an international pageant titleholder,” sinabi ni Hang sa Inquirer sa “sashing ceremony” ng Mister International Philippines pageant sa Novotel Manila Araneta City sa Quezon City noong Set. 8.

Panauhin si Hang sa naturang palatuntunan kung saan humirang ang panlalaking patimpalak ng karagdagang mga kinatawan ng Pilipinas sa iba’t ibang international male pageants. Nasa bansa rin siya upang sumabak sa mga pagsasanay para sa 2022 Miss Universe pageant sa ilalim ng “Kagandahang Flores” beauty camp ng tanyag na queenmaker na si Rodgil Flores.

Hindi na bago ang pagkakaroon ng banyagang national titleholders na nagsasanay sa Pilipinas. Ngunit para kay Hang, isa itong katiyakan sapagkat isang Pilipino ang national director ng Miss Universe Cambodia pageant, si Romyr Libo-on.

Miss Universe Cambodia Manita Hang

Miss Universe Cambodia Manita Hang/ARMIN P. ADINA

Nakatitiyak si Hang na nasa mabubuti siyang mga kamay. “The Philippines is well known for pageant queens, they have a lot of international titleholders already, not only queens but also kings,” ipinaliwanag niya.

Para sa kanya, matatanggap niya ang “the best training I could ever ask for” sa Pilipinas, kung saan “better” ang kakayahan ng mga tagapagturo.

Maglalagi sa Pilipinas si Hang nang 20 araw. Maliban sa pagsasanay, nailatag na rin ang pagdalaw niya sa iba’t ibang panig ng bansa. Nais niyang makabuo ng koneskyon sa mga tagahangang Pilipino. “I do know that I have a lot of Filipino fans and I’m very thankful and blessed for that,” aniya.

Nais din niyang ipalaganap ang mensahe niya kaugnay ng “youth empowerment” na sinimulan niya sa Cambodia. “I also believe that I should have a global impact on everyone. That is why I want to transmit that message here in the Philippines,” pagpapatuloy niya.

Makakalaban ni Hang si Miss Universe Philippines Celeste Cortesi at dose-dosena pang kinatawan ng iba’t ibang bansa sa ika-71 edisyon ng Miss Universe pageant, na hindi pa batid kung saan at kalian gagawin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending