Camille wish makasama uli sa movie si Angelica: Sa edad namin ngayon, ano kayang feeling na magkatrabaho uli kami? | Bandera

Camille wish makasama uli sa movie si Angelica: Sa edad namin ngayon, ano kayang feeling na magkatrabaho uli kami?

Ervin Santiago |September 07,2022
facebook
share this

Camille wish makasama uli sa movie si Angelica: Sa edad namin ngayon, ano kayang feeling na magkatrabaho uli kami?

Ervin Santiago - September 07, 2022 - 07:18 AM

Camille Prats pangarap na makatrabaho uli si Angelica

Angelica Panganiban at Camille Prats

WISH ng Kapuso TV host-actress na si Camille Prats na muling makatrabaho ang kanyang kaibigan na si Angelica Panganiban.

Matagal na raw niyang hinihiling at ipinagdarasal na sana’y mabigyan uli sila ni Angelica na magsama sa isang bonggang project, teleserye man ito o pelikula.

Ilang dekada na raw ang nakalilipas mula noong huli silang magkatrabaho at pareho pa raw silang mga teenagers that time na wala pang kamuwang-muwang sa buhay.

Napanood sina Camille at Angelica sa pelikulang “Sarah… Ang Munting Prinsesa” na ipinalabas sa mga sinehan noong 1995 na talaga namang tumabo sa takilya.

View this post on Instagram

A post shared by Camille Prats Yambao (@camilleprats)


Gumanap sa nasabing pelikula si Camille bilang Sarah habang binigyang-buhay naman ni Angelica ang karakter ni Becky.

“I really hope and I dream of working with her again at this stage of our lives.

“Kasi growing up and even as a child transitioning to becoming a teenager, siya ‘yung lagi kong kasama,” ang pagbabahagi ni Camille sa panayam ng Sparkle GMA Artist Center.

“So, alam ko at natatandaan ko pa how wonderful it was to work together and it makes me wonder na sa edad namin ngayon, ano kayang pakiramdam na magtrabaho ulit,” dagdag pa ng TV host-actress at celebrity mom.

Sa isang YouTube vlog, nabanggit ni Camille na napanatili nila ni Angelica ang kanilang friendship sa loob ng mahabang panahon at hindi nila hinayaang mawasak ito nang dahil lang sa mga intriga.

“I vividly remember na nag-uusap tayo nu’ng bagets tayo, na ‘Huwag tayo magpapadala sa mga sinasabi nila.’ Medyo mature kaming dalawa na alam namin kapag pinag-aaway kami,” ani Camille.

Sey naman ni Angelica, isa si Camille sa mga tunay niyang kaibigan sa showbiz, “Kasi rivalries eh. I don’t think maiiwasan ‘yun kasi ganun ‘yung industriya. Sana nga hindi ganun, pero ganu’n, eh.

“Well siguro din kasi bata tayo noon. Hindi naman para sa atin ‘yung ‘Ay mas nakakaangat-angat ako dito.’ Siguro kung teenagers tayo pinag-ganun, medyo baka naka-affect. Talagang magkaibigan tayo eh, hindi naman tayo nagplastikan,” aniya pa.

Samantala, naikuwento rin ni Camille sa nasabing panayam kung ano ang so far ang pinaka-challenging na role na ginampanan niya sa mga nagawa niyang serye sa GMA 7.

Sey ng aktres, ang karakter daw niya as Rebecca sa Kapuso drama series na “Second Chances” kung saan nakasama niya sina Jennylyn Mercado, Raymart Santiago at Rafael Rosell.

“I played the role of someone na meron siyang bipolar. So ‘yung emotions niya parang from super super happy bigla na lang siyang nagbe-break down.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, I really found that challenging tapos ‘yung director ko no’n was Direk Laurice Guillen so wala na akong kailangan i-explain pa. Ha-hahaha!” chika pa ni Camille.

Angelica Panganiban, Camille Prats binalikan ang ‘traumatic’ experience noong teenagers pa sa showbiz

Camille Prats may babala sa netizens ukol sa ‘ineendorsong’ produkto: This is a scam

Kuya Kim kinontra ang paratang ng bashers na inokray niya ang ‘Showtime’

Camille tinanong ng anak kung ano’ng meaning ng bading: Kahit ako parang na-confuse…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending