CLAUDINE nasupalpal ni RAYMART, naloka sa mga pasabog tungkol sa pagdodroga | Bandera

CLAUDINE nasupalpal ni RAYMART, naloka sa mga pasabog tungkol sa pagdodroga

Cristy Fermin - September 28, 2013 - 03:00 AM


Ngayong gabi sa Showbiz Police ay blow by blow na ipalalabas ang mga detalye ng awayang Raymart Santiago-Claudine Barretto.

Nasubaybayan ng News 5 ang simula ng labanan sa husgado ng mag-asawa, si MJ Marfori na entertainment reporter ng News na ngayon ay kasama na rin sa Showbiz Police ang matiyagang sumubaybay sa kuwento, kaya detalyado nitong nabuo ang istorya.

Nu’ng silipin namin ang istoryang binuo ng Showbiz Police na ipalalabas ngayong alas sais hanggang alas siyete nang gabi sa TV5 ay nalungkot kami.

Ganu’n na pala katindi ang away ng mag-asawa, dumating na ‘yun sa punto ng kani-kanya nilang paglalabasan ng mga ebidensiya laban sa isa’t isa, nakapanghihinayang na relasyon.

Unang nakakuha ng simpatya ng publiko si Claudine dahil sa mga pinaputok niyang rebelasyon ng paghihiwalay nila ni Raymart, maraming akusasyon ang aktres laban sa ama ng kanyang mga anak, kasama na ang sinabi niyang pambubugbog nito sa kanya kapag nagkakaroon sila ng hindi pagkakaintindihan.

Ilang beses na nakaiskor si Claudine, pero nitong bandang huli ay tumiklop ang kanyang mga pakpak, dahil inilabas na rin ni Raymart ang mga nakawiwindang na ebidensiya tungkol sa kanyang pagbibisyo.

Kasama du’n ang diumano’y pagdodroga ni Claudine nang nakikita ng kanilang mga anak, ang kakaiba na niyang ikinikilos ilang panahon na ang nakararaan, ikinalungkot ni Raymart ang paglalantad ng mga ganu’ng ebidensiya laban kay Claudine.

Ang lahat ng mga detalyeng sangkot sina Raymart at Claudine ay mapapanood mamayanga gabi, alas sais hanggang alas siyete, sa Showbiz Police ng TV5. Maraming salamat po.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending