Edu na-shock din nang malamang buntis na si Jessy, hirit kay Luis: 'Wow! When did you do that?' | Bandera

Edu na-shock din nang malamang buntis na si Jessy, hirit kay Luis: ‘Wow! When did you do that?’

Ervin Santiago |September 04,2022
facebook
share this

Edu na-shock din nang malamang buntis na si Jessy, hirit kay Luis: ‘Wow! When did you do that?’

Ervin Santiago - September 04, 2022 - 11:21 AM

Edu Manzano shocked nang malamang buntis na si Jessy Mendiola

Luis Manzano, Edu Manzano, Cherry Pie Picache at Jessy Mendiola

TULAD ni Vilma Santos, shookt din si Edu Manzano nang ibalita sa kanya ng anak na si Luiz Manzano at ng asawa nitong si Jessy Mendiola na magiging lolo na siya.

Mapapanood ito sa bagong vlog ni Jessy sa kanyang YouTube Channel na may titulong “TELLING OUR FAMILIES ABOUT OUR BABY PEANUT (REACTIONS).”

May caption itong, “Before we shared the good news to the world, of course, we told our families first about baby Peanut! Kitang-kita ang excitement nila, at siyempre, nagulat talaga sila.”

“Hi, Lolo!” ang unang dialogue ni Luis sa kanyang tatay nang ipakita nila ni Jessy ang video ng ultrasound ng kanilang magiging baby.

Pati nga ang girlfriend ni Edu na si Cherry Pie Picache na kasama niya noong bisitahin sila nina Luis at Jessy ay nasorpresa rin sa rebelasyon ng celebrity couple.

Kitang-kita sa reaksyon ni Edu ang magkahalong pagkabigla at excitement nang makita ang image sa sonogram ng kanyang magiging apo.

View this post on Instagram

A post shared by Jessy Mendiola – Manzano (@senorita_jessy)


“Wow! When did you do that?” ang unang reaksyon ng award-winning veteran actor.

Inilapit pa nga ni Edu ang kanyang mukha sa screen ng cellphone ni Jessy para mas makita ang baby, “Can I see that again? How many months na iyan?”

Tugon naman ni Jessy sa kanyang father-in-law, “I’m almost done with my first trimester.”

Kasunod nito, niyakap at hinalikan ni Edu ang anak pati na ang kanyang manugang. Sey naman Jessy kay Luis, “Tatay ka na.” Na sinagot ng TV host ng, “Yes!”

Sinabi rin ni Luis kina Edu at Cherry Pie na, “Ang tawag namin sa kanya (magiging anak) is Peanut.”

Sa unang bahagi ng video mapapanood ang pagbabalita nina Jessy at Luis sa pamilya ng aktres na magiging mommy at daddy na sila.

Pero ang una talagang nakaalam tungkol sa pagbubuntis ni Jessy ay si Ate Vi. Noon pang Mayo (Mother’s Day) ito ibinalita nina Luis at Jessy.

“Mother ka na ba? Serious ka?” ang tanong ng award-winning actress kay Jessy na sinagot naman ng misis ni Luis ng, “Yes!”

Ito naman ang advice ni Ate Vi kina Luis at Jessy ngayong magiging magulang na rin sila, “Maiiba ang buhay nila, e. Kasi you wouldn’t know as a mom, kahit ano ang sabihin mo, ‘Naku, alam mo pag naging nanay ka na ganito mangyayari sa iyo…’

“Alam mo, you wouldn’t know until ikaw mismo makakita na mayroong buhay na nanggaling sa iyo, na dun mo lang mare-realize na kaya mong ipagpalit ang buhay mo para sa mga anak mo.

“Definitely pag lumabas na si Peanut, maiiba more or less next step ang status ng buhay nila as family. Kahit papaano may mga priorities sila na maiiba, and I told them to prepare for that.

“Iba na pag nandiyan na ang baby kaya kailangan it’s more understanding. Ang thinking nila it’s more of, ikaw, ako, hindi na, family na ang tingin mo dito. It’s not only you’re my wife, you’re my husband; you’re a mom, and you’re a dad, you’re a father.

“Maiiba sigurado ang buhay nila. So, kailangan as early as this, i-prepare na nila ang sarili nila para sa maganda. More on positive kaya lang holistic na yung approach niyan. Family na ang tingin diyan, hindi na iyan man and wife, hindi na. Family na ang tingin diyan,” payo pa ng veteran actress.

Ikinasal sina Luis at Jessy noong February, 2021 sa isang intimate garden wedding ceremony. Pero ibinandera lang nila sa publiko ang tungkol dito makalipas ang dalawang buwan.

https://bandera.inquirer.net/302257/luis-ka-join-sana-sa-1986-movie-na-ninja-kids-ako-dapat-ang-bida-roon-pero

https://bandera.inquirer.net/302257/luis-ka-join-sana-sa-1986-movie-na-ninja-kids-ako-dapat-ang-bida-roon-pero
https://bandera.inquirer.net/299614/jessy-nakiusap-sa-haters-sana-wag-nating-i-crucify-ang-isang-tao-dahil-lang-mali-yung-sinabi-niya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/306288/luis-jessy-nag-celebrate-ng-1st-wedding-anniversary-one-down-forever-to-go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending