#SanaAll: Piolo Pascual minasahe si Moi Bien habang waiting sa lafang | Bandera

#SanaAll: Piolo Pascual minasahe si Moi Bien habang waiting sa lafang

Therese Arceo |August 31,2022
facebook
share this

#SanaAll: Piolo Pascual minasahe si Moi Bien habang waiting sa lafang

Therese Arceo - August 31, 2022 - 04:34 PM

#SanaAll: Piolo Pascual minasahe si Moi Bien habang waiting sa lafang

HABA ng hair talaga ang feeling ng komedyanteng si Moi Bien dahil sa viral video kung saan kasama niya ang hearthrob na si Piolo Pascual.

Sa naturang video ay makikitang nakatayo si Papa P sa likod ng komedyante at dati niyang personal assistant.

“For today’s video, por da massage habang nag-aantay ng food,” saad ni Moi sa caption ng TikTok video.

Talagang ganap na ganap at seryosong seryoso si Piolo sa pagmamasahe ng balikat ng kanyang malapit na kaibigan.

Kitang-kita rin na nasasarapan si Moi sa ginagawa ni Papa P base na rin sa facial expression nito na pawang narerelax ang pakiramdam.

Nagtawanan pa nga ang ilang kaibigan nilang kasama sa table dahil napa-ungol pa siya sa sarap ng masahe ni Piolo.

“Ang sarap nga eh. I like it,” sey pa ni Moi.

Napatanong naman siya bigla sa Kapamilya hearthrob dahil tila nagtatago raw ito sa kamera dahil nakayuko ito habang magmamasahe.

Inangat naman ni Piolo ang mukha at nakangiting humarap sa camera.

 

@moibienne For todays video, por da masage habang nag aantay ng food. #kusinanimaya #elnidopalawanphilippines @Piolo Pascual #papap ♬ original sound – Hatima Marcampo

 

Tinanong pa ni Moi kung magkano ang rate per hour ng aktor at game na game naman siyang sinagot nito na P200k daw ang rate nito.

Hindi naman mapigilan ng mga netizens na mapa-sana all sa video ng komedyante dahil isang Piolo Pascual lang naman ang walang kakeme-kemeng nagmamasahe sa kanya.

“Sana all! Sumusobra ka na Moi! Hahaha,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Luckiest girl in the world!”

“Saan kayo sa El Nido, papa-massage rin ako kay Piolo,” hirit naman ng isa.

Maski nga si Ogie Diaz ay hindi napigilang mag-react sa viral video ni Moi.

“Piolo Pascual lang naman ang masahista ni Moi, di ba hbang naghihintay sila ng pagkain,” saad ni Ogie.

Pabirong hirit pa niya, nakakuha rin daw ng 1.5 million ang video ni Moi, hindi views kundi ng mga inggitera na panay ang sabi ng “sana all”.

Hinangaan rin ni Ogie ang magandang pagsasama nina Moi at Piolo.

Matatandaang dating personal assistant ng aktor si Moi at suportado nito ang lahat ng desisyon nito lalo na nang balakin nitong maging artista.

“Sana ganyan lahat. Ganyan katagal ang relasyon nila kasi yung iba pagka nahihiwalay lang sa inaalalayang artista, kung ano ano na ang pinagsasasabi,” sey pa ni Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
B-day message ni Moi Bien kay Piolo: Habang tumatanda lalong sumasarap! Naku, lagot baka tayo talaga…

Moi Bien nagulat sa sampal ni Pilar Pilapil kahit rehearsal pa lang: Ang sakit!

Moi Bien ibinandera ang sweet photos kasama si Piolo: May maiinggit na naman dyan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending