Moi Bien nagulat sa sampal ni Pilar Pilapil kahit rehearsal pa lang: Ang sakit! | Bandera

Moi Bien nagulat sa sampal ni Pilar Pilapil kahit rehearsal pa lang: Ang sakit!

Reggee Bonoan |June 17,2022
facebook
share this

Moi Bien nagulat sa sampal ni Pilar Pilapil kahit rehearsal pa lang: Ang sakit!

Reggee Bonoan - June 17, 2022 - 01:09 PM

Moi Bien nagulat sa sampal ni Pilar Pilapil kahit rehearsal pa lang: Ang sakit!
SASAKIT talaga ang panga mo sa katatawa kapag si Moi Bien Marcampo na datinf personal assistant ng aktor na si Piolo Pascual ang nagkukuwento dahil taklesa at walang preno tulad na lang ng naging karanasan niya sa beteranang aktres na si Pilar Pilapil nang magka-trabaho sila.

Sa GMA 7 guesting ni Moi sa programang “Mars Pa More” nitong June 15 ay sumalang siya sa segment na ‘Nakakalokang Celebrity Encounter.’

Ikukuwento ng guest ang mga nakakalokang experience nila sa nasabing segment at tungkol nga kay Ms Pilar ang naalala ni Moi na may eksenang sasampalin siya.

Praktis lang daw muna pero nagulat si Moi na trulili ang pagsampal sa kanya na talagang natigalgal siya.

Sabi ni Moi, “Sinampal na n’ya ako rehearsal pa lang at ang sakit ng kamay n’ya, ’yong totoo ha, ’yong hindi eme-eme. Talagang namula ’yong (pisngi) ko.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Hatima Marcampo (@moibienne)

Sa sakit na naramdaman ay tinanong ni Moi si Ms Pilapil kung bakit nito tinotoo ang pagsampal sa kanya, e, hindi pa naman iyon take, rehearsal pa lang.

“Sabi ko sa kanya, ‘Tita, bakit mo naman ako sinampal? Rehearsal pa nga lang, e. Wala pang sinabi si direk na take. Alam mo, tita, ang sakit. Natanggal ang mga ngipin ko,” birong sabi raw ni Moi.

“Alam mo kung anong sinabi? ‘Okey lang ’yan. Marami ka pa namang ngipin.’Bastos, e, ’no? Hahaha!” tumawang kuwento ni Moi.

Katwiran naman ng isa sa host ng “Mars Pa More” na si Camille Prats ay nangyayari talaga ang mga ganitong eksena kapag nadadala ang artista.

Aniya, “Minsan talaga, Mars, nangyayari talaga sa taping lalo na kapag may mga ganu’ng eksena. Hindi mo alam kung anong iniisip ng co-actor mo. Pero ikaw, Mars, how did you take it (kay Moi)?

Sagot ni Moi, “Tita, wala pang take. Kumalma ka naman.’ Kasi ang sakit ng kamay n’ya kasi ilang beses na n’ya akong sinampal. Hindi s’ya ’yong fake, ha. Totoo. Pulang-pula ’yong dito ko, (sabay turo sa pisngi).”

Bagama’t pabirong ikinuwento ito ni Moi ay tiyak na may magre-react kapag napanood ito.

Bukas ang Bandera sa panig ni Ms Pilar Pilapil.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
B-day message ni Moi Bien kay Piolo: Habang tumatanda lalong sumasarap! Naku, lagot baka tayo talaga…

Moi Bien ibinandera ang sweet photos kasama si Piolo: May maiinggit na naman dyan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending