Moi Bien ibinandera ang sweet photos kasama si Piolo: May maiinggit na naman dyan | Bandera

Moi Bien ibinandera ang sweet photos kasama si Piolo: May maiinggit na naman dyan

Therese Arceo |April 15,2022
facebook
share this

Moi Bien ibinandera ang sweet photos kasama si Piolo: May maiinggit na naman dyan

Therese Arceo - April 15, 2022 - 04:19 PM

Moi Bien ibinandera ang sweet photos kasama si Piolo: May maiinggit na naman dyan
SUPER flex ang komedyanang si Moi Bien Marcampo ng mga larawan nila kasama ang aktor na si Piolo Pascual.

Sa kanyang Instagram ay proud niyang ibinandera ang sweet photos nila ng Kapamilya heartthrob.

“Staycation lang daw kami haha uy! May maiinggit na naman dyan.. charot!” saad ni Moi.

Mukhang pinapaalalahanan na rin niya si Papa P na konti na lang at baka siya talaga ang laan ng Diyos para sa kanya.

“Ilang taon na lang.. lam na pag 50 ka na haha. Padaan lang po sa mga pumaparty dyan,” sey pa ni Moi.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Hatima Marcampo (@moibienne)

 

Nag-comment naman si Jerald Napoles at tinanong kung nasa El Nido ba ang dalawa.

Sagot ni Moi, nasa bahay lang sila.

Sinagot rin ni Piolo ang post ni Jerald.

Aniya, “Saka sandali lang kami magkasama tol. Ambisyosa lang talaga si heytimeymey.”

Sagot naman ni Moi, “huy wala namang bukingan dyan! Haha”

Marami naman sa mga netizens ang naaliw at napa-sana all sa post ng comedienne.

“Hahahaha gumawa ka na naman ng kaiinggitan namin, love u!” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Sana all may kayakap na Papa P!”

“Aminado nama ako na naiinggit ako! Pero please naman wag mo sagarin,” sey naman ng isa pang netizen.

 

Si Moi o Hatima Marcampo  sa tunay na buhay ay ang loyal personal assistant ni Papa P.

Matatandaang noong i-celebrate ng Kapamilya actor ang kanyang ika-45th birthday ay biniro siya ng personal assistant at komedyana na sila na lang kapag wala pa ring itong dyowa pagtungtong sa edad na 50.

Related Chika:
B-day message ni Moi Bien kay Piolo: Habang tumatanda lalong sumasarap! Naku, lagot baka tayo talaga…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Piolo kumpirmadong Kapamilya pa rin: I’ll be back home for sure!

Sylvia Sanchez golden girl na: I’ve been waiting to turn 50 so I could…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending