Sylvia Sanchez golden girl na: I’ve been waiting to turn 50 so I could... | Bandera

Sylvia Sanchez golden girl na: I’ve been waiting to turn 50 so I could…

Ervin Santiago |May 24,2021
facebook
share this

Sylvia Sanchez golden girl na: I’ve been waiting to turn 50 so I could…

Ervin Santiago - May 24, 2021 - 03:48 PM

 

MASAYANG ipinagdiwang ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez ang kanyang 50th birthday kasama ang pamilya at ilan pang mga mahal sa buhay.

Ibinahagi ng Kapamilya actress sa kanyang Instagram at Facebook account ang ilang kaganapan sa kanyang intimate birthday celebration.

Makikita sa mga ipinost niyang litrato ang kanyang asawang si Papa Art Atayde at ang kanilang mga anak. May mga pictures pa na super bonding sila habang nasa gitna ng karagatan sakay ng isang yate.

Aniya sa caption, “Yes, I’m 50!! I’ve been waiting to turn 50 so I could slowly experience being a golden girl super grateful to have been able to celebrate with my loved ones.”

Nagpasalamat din si Sylvia sa lahat ng mga bumati sa kanyang kaarawan at nagpahayag ng suporta at pagmamahal hindi lang para sa kanya kundi sa buong pamilya niya.

“Even more grateful to have been remembered by all those sent their birthday love — thank you so much. Much love to all of you,” mensahe pa ni Ibyang.

Binati rin siya ng kanyang mga anak na sina Arjo and Ria Atayde sa pamamagitan ng social media.

“Blessed to have you. Happy Birthday, Ma,” ang mensahe ni Arjo sa kanyang celebrity mom.

“Golden hour with golden girl. Love you always, Ma. Happy birthday!” sabi naman ni Ria.

Sa ngayon patuloy na napapanood si Sylvia sa Kapamilya series na “Huwag Kang Mangamba” kung saan gabi-gabi siyang umaani ng papuri mula sa mga manonood.

* * *

Inilabas nitong Sabado (May 22) ang panibagong teaser ng upcoming weekend comedy-gag-variety show na “FLEX” na malapit nang mapanood sa GTV.

Tampok sa teaser ang Kapuso teen stars na magsisilbing FLEX Leaders o hosts ng show na sina Mavy Legaspi, Lexi Gonzales, Joaquin Domagoso, at Althea Ablan.

Bawat linggo ay may makakasama silang walong Gen Z artists na sasabak sa musical performances, gags, sketches, at talent competitions.

Samantala, ngayong Lunes (May 24) na rin ang opisyal na pagbubukas ng online registration para sa mga gustong sumali sa official fan base ng FLEX na kung tawagin ay Flex Squad o Flexers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa naturang exclusive group ay maaaring mapanood ng fans ang exclusive videos ng kanilang favorite Gen Z celebrities at mag-participate sa ilan pang paandar ng show. Bisitahin lang ang official Facebook page ng FLEX para sa mga karagdang detalye.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending