B-day message ni Moi Bien kay Piolo: Habang tumatanda lalong sumasarap! Naku, lagot baka tayo talaga... Bandera

B-day message ni Moi Bien kay Piolo: Habang tumatanda lalong sumasarap! Naku, lagot baka tayo talaga…

Ervin Santiago |January 12,2022
share this

B-day message ni Moi Bien kay Piolo: Habang tumatanda lalong sumasarap! Naku, lagot baka tayo talaga…

Ervin Santiago January 12, 2022 - 03:03 PM

Piolo Pascual at Moi Bien

PAK na pak ang pasabog na birthday message ng komedyanang si Moi Bien para sa kanyang  “bossing” na si Piolo Pascual.

Aliw na aliw ang mga netizens sa ipinost ng personal assistant ni Piolo sa Instagram para sa ika-45 kaarawan ng Kapamilya actor.

Sabi ng loyal personal assistant ni Papa P (Hatima Marcampo sa tunay na buhay) sa kanyang birthday greeting, kapag daw 50 years old na ang hunk actor at wala pa ring dyowa ay baka sila raw talaga ang itinadhana.

Ibinahagi ni Moi sa IG ang litrato nila ni Papa P kalakip ang mensaheng ito, “Happy birthday my Mayor youre the best!! and your the yummiest, the yummyer? Hehehe. 

“I love you beri beri Much!! Ikaw lang yung habang tumatanda lalong sumasarap!! ahahaha! 

“Pag di ka pa nakapag asawa tapos 50 years old kana!! Naku lagot baka tayo talaga!! wahahahaha happy birthday @piolo_pascual,” ang birong mensahe pa ng komedyana.

Tuwang-tuwa naman ang mga followers ni Moi sa kanyang mensahe kay Piolo at ang iba nga ay sumang-ayon pa sa joke niya na baka sila nga ng aktor ang itinadhana sa ending.

In fairness, tunay na kapamilya na nga ang turing ni Papa P sa kanyang loyal personal assistant at talagang hanggang ngayon ay super close pa rin sila. Maging sa anak ng aktor na si Inigo Pascual ay malapit din kay Moi.

Narito naman ang ilang pagbati ng netizens kay Papa P kabilang na riyan ang ilang kaibigan niyang celebrities.

Message ni Allan K, “Happy birthday Papa P!”

Sabi naman ng film producer na si Neil Arce, “Bata pa lang ako pinapanood ko na yan.”

Mensahe naman ni @nancyarcega07, “Happy birthday the pogiest Papa P.”

Sey ni @marlonhadap, “Happy birthday Papa P! I wish that your 2022 may be filled with many blessings and good health. Miss na kita!”

“Happy b-day may ex husband kht sa panaginip lang my wish is always safe and good health…love u more,” pahayag ni @arnetcasaclang.

Samantala, kahit nga nakagawa na rin ng sarili niyang pangalan sa mundo ng showbiz ay hindi niya iniwan si Piolo at patuloy pa ring nagsisilbi bilang PA ni Piolo at gumagawa pa rin ng mga household duties.


Sa isang panayam noon kay Moi, nangako siya na hinding-hindi niya iiwan ang kanyang “amo” kahit pa sumikat na siya nang bonggang-bongga.

“Hindi talaga. Nandu’n pa rin yung communication namin. Kung may time ako, tutulong ako, ayun po. Ayoko po nu’ng iiwanan siya kasi ang laki ng utang na loob ko du’n sa tao, wala akong masabi sa kabaitan niya. Yung communication namin, yung ano naming dalawa, naroon pa rin.

Sa nasabi ring panayam natanong ang komedyana kung handa ba niyang isakripisyo ang lahat para lang kay Piolo?

“Ako, ginawa ko na! Oo, kasi matagal na ako sa kanya, e. Kumbaga, para sa akin, kaya kong ipagpalit yung kaligayahan ko para… alam mo yung ganu’n? Para sa kanya.

“Like kunwari imbes na mag-day off ako or mag-ano ako, uunahin ko muna yung trabaho ko kasi gusto ko maayos muna lahat bago ako, bago ang sarili ko. Ganu’n!” pahayag pa ni Moi Bien.

Piolo kumpirmadong Kapamilya pa rin: I’ll be back home for sure!

‘Hidilyn Diaz’ costume ng anak nina Anne at Erwan pak na pak sa Halloween

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending