Ruru Madrid tinuksu-tukso ng netizen kay Darna, payo sa ‘Lolong’ fans: Wag na lang po nating patulan
PATULOY ang paglakas ng Kapuso primetime series na “Lolong” na siya na ngayong most watched TV show ng 2022.
Ayon sa TAM data ng Nielsen Philippines mula Enero 1 hanggang Agosto 14, 2022, nagtala ang nasabing Kapuso adventure-serye ng combined average people rating na 15.6 percent (GMA at GTV) sa Total Philippines–kaya naman ito ang nasa top spot ng mga pinaka pinapanood na show sa nasabing period.
At nagpapatuloy ang pag-iwan nito sa katapat na program. Pumalo ito ng combined (GMA at GTV) people rating na 18 percent sa National Urban TV Audience Measurement overnight ratings noong Aug. 23.
Sinundan ito ng combined people rating na 18.3 percent noong Aug. 24. Nitong Huwebes (August 25), naitala ng Lolong ang highest rating nito sa ngayon na combined people rating na 18.7 percent.
View this post on Instagram
“Ang “Darna” ay nakakuha naman ng combined people rating na 9.7, 9.4, at 9 percent sa tatlong nasabing araw (TV5, A2Z, Kapamilya Channel, at Cinemo).
Mas marami talagang viewers ang hooked sa kuwento ng “Lolong” na pinagbibidahan ni Ruru Madrid. Pati mga bata ay bukambibig na si Lolong at ang BFF nitong si Dakila.
At kahit ang cast, aminadong tinatawag na sila ng tao sa kanilang karakter sa serye. Patunay lang ito lalo na numero uno ang Lolong sa puso ng viewers.
Samantala, sinagot naman ni Ruru sa isa niyang Instagram live ang ilang bashers na nang-ookray sa kanya at nagtatanggol sa “Darna” ni Jane de Leon.
“‘Wag na lang po nating patulan, ‘wag na lang po nating pansinin ‘yung mga hindi magagandang bagay na nababasa natin.
“Ganoon po talaga. Kahit gaano kaganda ang ipakita mo sa mga tao, may masasabi at masasabi pa rin sa ‘yo. Kaya hayaan lang po natin sila. As long as wala tayong natatapakang tao,” aniya pa.
* * *
Ngayong linggo, magiging mas mainit ang inyong hapon dahil sa matitinding rebelasyon na masasaksihan sa GMA afternoon drama series na “Return To Paradise.”
Base na ipinalabas na teaser video ng GMA Network, mapapanood ang pagkikita nina Red (Derrick Monasterio), Eden (Elle VIllanueva) at ng kanilang mga ina na sina Amanda (Eula Valdes) at Rina (Teresa Loyzaga).
View this post on Instagram
Matatandaan na mayroong hidwaan sa pagitan nina Amanda at Rina matapos ipakulong ng huli ang una dahil naakusahan ito sa pagkamatay ng kanyang panganay na anak na si Angelo.
Mapaninindigan kaya nina Red at Eden ang kanilang pagmamahalan kahit tutol dito ang kanilang mga magulang?
Huwag palampasin ang mga maiinit na tagpo sa “Return To Paradise,” Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
https://bandera.inquirer.net/316466/ruru-madrid-emosyonal-sa-presscon-ng-lolong-muntik-nang-sumuko-napilay-ako-napako-lahat-po-pinagdaanan-namin-dito
https://bandera.inquirer.net/317399/ruru-madrid-buwis-buhay-ang-mga-eksena-sa-lolong-ang-dami-kong-isinakripisyo-rito-ilang-beses-akong-naaksidente
https://bandera.inquirer.net/306139/ruru-madrid-hindi-nagpa-double-sa-lolong-lahat-ng-buwis-buhay-stunts-ako-ang-gumawa
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.