Nisha Bedaña walang sama ng loob sa pagkatsugi sa ‘Idol PH’ pero: This is my last competition but this is not my last performance
WALANG sama ng loob at tanggap ni Nisha Bedaña ang pagkakatanggal sa kanya sa “Idol Philippines” season 2 ng ABS-CBN.
Naging kontrobersyal ang elimination round ng nasabing reality singing search last weekend matapos matsugi si Nisha na ikina-shock ng mga “Idol” judges pati na ng mga manonood.
“Devastated” ang ginamit na salita ng mga huradong sina Regine Velasquez at Chito Miranda nang ma-eliminate si Nisha dahil feeling nila, malaki ang potensiyal nito na maging “Idol Philippines” champion.
Pero para kay Nisha, baka raw hindi pa talaga ito ang tamang panahon para sa kanya, “Maraming salamat po sa lahat ng sumuporta sa akin.
“Hindi n’yo po alam kung gaano ako ka-grateful sa lahat ng mga nagmamahal at lumalaban para sa akin, pero eto po ‘yung aking kapalaran at hindi pa po dito magtatapos ‘yung journey at pagsha-share ko ng talento ko sa inyong lahat,” pahayag ni Nisha sa kanyan Facebook post.
View this post on Instagram
Aniya pa, “Im super happy kasi nakita ko po kung gaano po ako napamahal sa inyong lahat but still, i-support po natin ang Top 8 hopefuls sa next na laban nila, and also kaming Top 12.”
Ang paniniwala pa ng konteserang singer, “May purpose po si Lord kung bakit po nangyayari sakin ito and naniniwala po ako sa right timing na ibibigay N’ya sa akin at sana kasama ko pa rin po kayong lahat sa pag-abot ng aking pangarap.
“This is my last competition but this is not my last performance na makikita n’yo po sa akin. Patuloy pa rin po akong kakatok sa inyong mga puso gamit ang aking talento at ‘di po ako titigil na mapasaya kayo,” aniya pa.
Nauna nga rito, nalungkot at nagulat si Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda sa pamamaalam ni Nisha sa “Idol Philippines” pati na rin sa isa pang contender na si Misha de Leon.
“I don’t know kung pwede kong sabihin ‘to pero we are devastated. We are devastated pero we can only do so much as judges pero iba pa rin talaga ‘yung voting. Wala akong masabi.
“Sana na lang baunin niyo lahat ng natutunan niyo rito mas lalo na ‘yung friendship, priceless ‘yan,” aniya pa.
Pasok sa Top 8 ng “Idol PH” sina Ann Raniel, Bryan Chong, Delly Cuales, Khimo Gumatay, Kice, PJ Fabia, Ryssi Avila at Trisha Gomez.
https://bandera.inquirer.net/322687/neri-pinagpaliwanag-si-chito-kung-bakit-natanggal-sa-idol-philippines-si-nisha-bedana
https://bandera.inquirer.net/317131/chito-sa-solid-na-samahan-ng-parokya-ni-edgar-sa-amin-music-is-secondary-barkada-lang-muna-kaming-lahat
https://bandera.inquirer.net/313875/idol-philippines-muling-magbabalik-gary-valenciano-chito-miranda-bagong-judges-na-makakasama-nina-moira-at-regine
https://bandera.inquirer.net/316088/kempee-de-leon-naglabas-ng-sama-ng-loob-sa-taong-walang-paki-sa-kanya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.