Ikaw na ba ang susunod na Miss FIT PH? Bandera

Ikaw na ba ang susunod na Miss FIT PH?

Armin P. Adina |August 29,2022
share this

Ikaw na ba ang susunod na Miss FIT PH?

Armin P. Adina - August 29, 2022 - 01:53 PM
Yllana Aduana

Reigning Miss FIT Philippines Yllana Aduana/ARMIN P. ADINA

TAGLAY mo ba ang natatanging “FIT,” o face, intelligence, at toned body? Baka ikaw na ang susunod na beauty queen na mag-uuwi ng premyong P200,000.

Binuksan na ng events management company na ProMedia ang pagtanggap ng mga aplikante para sa ikatlong edisyon ng Miss FIT Philippines pageant ngayong taon.
Ito’y para sa mga single na babaeng hindi pa nag-aasawa o nagdadalantao, mula 17 hanggang 26 taong gulang, hindi bababa sa 5’5” ang taas, tukoy na babae sa pagkakasilang, at may lahing Filipino.

Hinihikayat ang mga interesadong sumali na pumunta sa opisyal na Facebook page ng Miss FIT Philippines upang makita ang mga detalye ng pagsali.

Kasama sa mga nananawagan para sa mga Pilipinang maaaring maging sunod na sagisag ng pangkabuuang kagandahan o “wholistic beauty” ang reigning Miss FIT Philippines na si Yllana Aduana.

“The pageant opened multiple doors of great opportunities for me as I became more productive and more involved in the pageant community,” ibinahagi ni Aduana sa Inquirer sa isang online interview.

“Personally, I also became more inspired to go to the gym and eat healthier more than ever because as a queen, I always have to keep up to the wholistic standards so that I can also inspire them to do the same,” dagdag pa niya.

Sinuportahan din ng ProMedia ang pagsali ni Aduana sa 2022 Binibining Pilipinas pageant, kung saan siya nakasulong sa Top 12, at tinanggap pa ang parangal na “Face of Binibini” (Miss Photogenic). Nadagdagan pa ang mga tagahanga ni Aduana dahil sa naipamalas niyang husay sa swimsuit at evening gown competitions, at lalo na sa question-and-answer round.

Umaasa naman siyang maisasalin ang korona bilang Miss FIT Philippines sa isang tagapagmanang may “genuine story.”

Nang sumali siya sa 2021 Miss FIT Philippines pageant, ibinahagi ni Aduana ang naging unos niya sa bulimia nervosa, at kung paano niya nalagpasan ang naturang eating disorder.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending