I-text kay Madam Sophia | Bandera

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia |September 27,2013
facebook
share this

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia - September 27, 2013 - 02:40 PM

Mula kay Maribel ng …4233 ng Toril, Davao City. December 19, 1987 ang birthday ko. Tapos po ako ng HRM, ask ko lang po kung makapag-aabroad po ba ako at kailan?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong December 19, 1987 sa taong 2015 sa edad mong 28 pataas, sa isang bansa sa kontinente ng Asia may isang mabunga at mabiyayang pag-aabroad na itatala sa iyong kapalaran.
>>>
Mula kay Jerald Sandoval ng SJDM City, Bulacan. Compatible po ba kami ng kasalukuyan kong girlfriend, na isinilang nuong February 2, 1991 at May  25, 1989 naman ako?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong May 25, 1989 na isang Gemini, habang February 2, 1991 naman ang girlfriend mo na isang Aquarius, compatible kayo dahil kapwa kayo nagtataglay ng elementong air o hangin, ganon din naman sa Numerology tugma at suweto ang birth date mong 25 sa birth date na 2 ng girlfriend mo. Ibig sabihin, walang duda, darating ang takdang panahong inilaan ng kapalaran, kayo na nga ang magkakatuluyan.
>>>
Mula kay Ester ng …8932 Ozamiz City. November 3, 1978 ang birthday ko at November 23 1976 naman ang mister ko. Three years na kaming nagsasama until now wala parin kaming baby. Kailan kaya kami magkaka-anak?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong November 3, 1978 at November 23, 1976 naman ang mister mo, tiyak ang magaganap sa taong 2015 hanggang 2016 magkaka-baby na kayo ng isang maganda at cute na babaing sanggol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending