AJ Raval, Kiko Estrada tumodo sa pag-aaksyon sa 'Sitio Diablo', pasabog din ang bakbakan sa kama | Bandera

AJ Raval, Kiko Estrada tumodo sa pag-aaksyon sa ‘Sitio Diablo’, pasabog din ang bakbakan sa kama

Ervin Santiago |August 25,2022
facebook
share this

AJ Raval, Kiko Estrada tumodo sa pag-aaksyon sa ‘Sitio Diablo’, pasabog din ang bakbakan sa kama

Ervin Santiago - August 25, 2022 - 02:10 PM

AJ Raval at Kiko Estrada

GRABE! As in grabe pala talaga ang mga pasabog na action scenes sa pinakabagong original Vivamax movie na “Sitio Diablo” na pinagbibidahan nina AJ Raval at Kiko Estrada.

Napanood na namin ang pelikula kagabi sa ginanap na private screening sa Gateway Cinema 7 kung saan dumalo ang lahat ng cast members kasama ang kanilang direktor na si Roman Perez, Jr..

Bukod kina AJ at Kiko, naroon din sina Ace Raval (kapatid ni AJ kay Jeric Raval), Benz Sangalang, Joko Diaz, Azi Acosta, Pio, Cean Jr., Just Hush, Because, Ruby Ruiz, Karl Aquino, Alvaro Oteyza, Massimo Scofield at ang baguhang sexy star na si Sheina Yu.

Simula pa lang ng “Sitio Diablo” ay umaatikabong bakbakan na ang naganap sa pagitan ng dalawang magkalabang grupo na sangkot sa mga ilegal na gawain sa kanilang lugar, ang tinatawag ngang Sitio Diablo.

View this post on Instagram

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


Ito ay lugar kung saan laging may riot at iba’t ibang kaguluhan. Lugar kung saan walang katapusan ang problema, pati na ng mga trahedya.

Kaliwa’t kanang gang wars at iba’t ibang klase ng krimen, ito ang araw-araw na buhay sa Sitio Diablo, ang buhay na kinasanayan na ni Aina (AJ). Galing sa pamilya ng mga gang leaders, hindi na bago kay Aina na kumita ng pera galing sa pagnanakaw, droga, mga ilegal na armas, pati na sa krimen ng pagpatay.

Malaking impluwensiya sa kanya ang yumao niyang ama at nakulong na kapatid na si Tonix (Benz Sangalang), na naging mga leader ng Los Hijos Diablos, ang pinaka-notorious at kinatatakutang gang sa kanilang lugar.

Matapos makulong ni Tonix, umalis ang ibang miyembro ng Los Hijos Diablos na naging dahilan sa tuluyang pagbagsak ng grupo. Dahil dito, magkakaroon ng mga bagong gang na may malalakas at kilalang miyembro, isa na dito ang gang ng Illustrado, kung saan lider ang kinakasama ni Aina na si Bullet (Kiko). Magkasama nilang pamumunuan ang Illustrado gang at magiging parang hari at reyna sa Sitio Diablo.

Pero ang kanilang maikling pamumuno ay agad na haharap sa problema dahil malalaman nila ang tungkol sa paglaya ni Tonix at ang plano nitong pagbawi sa kanyang trono bilang pinakakinatatakutang gang leader. Magiging daan ito para sa pinakamalupit at pinakamadugong gang war na masasaksihan sa Sitio Diablo.

Kung medyo mahina ang sikmura n’yo sa mga bayolenteng pelikula, hindi namin ipinapayo na panoorin n’yo ito, pero kung na-miss n’yo naman ang bardagulan at matindihang aksyon, watch n’yo ang “Sitio Diablo.”

In fairness, talagang pinatunayan nina Kiko at AJ na hindi nagkamali ang Viva Films pati na si Direk Roman na sila ang kuning bida sa pelikula dahil bukod sa parehong palaban sa maaaksyong eksena, wala ring keber sa kanilang sex scenes ang dalawa.

Sayang nga lang at hindi raw napanood ng tatay ni AJ na si Jeric Raval na present din sa naganap na private screening ang mga umaatikabong love scene ng anak at ni Kiko dahil bigla raw may tumawag sa kanya sa cellphone.

Biro naman ni AJ kay Kiko, mas magaling na raw siya sa amang si Gary Estrada na sinagot naman ng aktor na mas magaling na raw ang kanyang leading lady sa tatay niyang si Jeric.

Sa panayam namin kay AJ, nagpasalamat siya kay Direk Roman dahil talagang pinush daw siya para tumodo sa pag-aaksyon sa “Sitio Diablo.” Reunion movie nila ito ng direktor na una niyang nakatrabaho sa “Taya” (2021).

“Direk Roman is like barkada to us. At the same time, we’ve maintained our respect for him. We’re just portraying our characters and doing our jobs as actors. Parang wala po kaming hinahabol na kompetensya, parang ginagawa lang po namin sya na trabaho lang po talaga, we are not expecting anything,” ani AJ.

Sey naman ni Direk Roman, “I’m like a proud father to my kids. Merong naging AJ Raval, Sean de Guzman, Pio Balbuena, Jela Cuenca, and Angeli Khang because of Taya. Iba yun. Iba yung nasa cinema at tsaka yung sa streaming cinema.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Taya opened the doors kaya tayo may ganito ngayon. That’s huge. After a year, Taya will come back. Babalik ang Taya But before that, gaganti muna ang Sitio Diablo, kailangan makuha ang korona ng Sitio Diablo na pinakamalakas na streaming sa Aug. 26,” sabi ng tunaguriang cult director.

AJ Raval hindi nagpa-double sa buwis-buhay na action scenes: Napaso ako ng sigarilyo, nasaktan at nagkapasa-pasa sa katawan

AJ Raval ibinandera ang flat tummy, itinangging buntis

Jeric diretsahang dinenay na buntis si AJ Raval: Kung totoo ‘yun ako ang unang makakaalam dahil…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending