Gelli pigil na pigil ang pag-iyak sa graduation ng anak: Hindi ako pwedeng umeksena, moment niya 'yun! | Bandera

Gelli pigil na pigil ang pag-iyak sa graduation ng anak: Hindi ako pwedeng umeksena, moment niya ‘yun!

Ervin Santiago |August 25,2022
facebook
share this

Gelli pigil na pigil ang pag-iyak sa graduation ng anak: Hindi ako pwedeng umeksena, moment niya ‘yun!

Ervin Santiago - August 25, 2022 - 12:20 PM

Ariel Rivera, Gelli de Belen, Joaquin at Julio Rivera

SUPER cry si Gelli de Belen nang magkuwento tungkol sa kanyang mga anak na ilang taon ding napalayo sa kanila ni Ariel Rivera nang magtungo sa ibang bansa.

Emosyonal na ibinahagi ng celebrity mom ang hirap, pagtitiis at sakripisyo na ginawa nilang mag-asawa nang magtungo sa Canada ang dalawang anak para doon mag-aral.

Kuwento ni Gelli sa panayam ng “Magandang Buhay”, 2016 nang lumipad pa-Canada ang dalawang anak na sina Julio at Joaquin.

“‘Yun ang mahirap, ‘yung umpisa talaga, ‘yung first few months. Every phone call, Si Ariel alam na niya, pagkatapos nakaabang na siya, console-console. Ako rin naman naisip ko ‘wag ka na muna masyadong tawag ng tawag,” simulang pahayag ng aktres.

At sobrang sarap naman daw sa pakiramdam nang makapagtapos na sa kolehiyo ang kanyang bunsong si Julio, “Nakaka-proud siyempre gusto ko ipagmalaki na Dean’s Lister.

“Nu’ng naglalakad siya totoo na ito, my God! Siyempre mangiyak-ngiyak, ayaw ko masyadong i-go baka mamaya hindi na masyadong mag-enjoy ang mga kasama ko, asikasuhin nila ako imbes na moment niya ito, hindi ako puwedeng umeksena.

View this post on Instagram

A post shared by Gelli de Belen-Rivera (@gellidebelen)


“Moment ng anak ko ‘yon. So talagang pinakiramdaman ko ‘yon. Eto na, ito na ang pinaghirapan niya, pinaghirapan din naman namin ni Ariel pero mostly siya ang kumilos nito, siya ang may gusto nito.

“Nakaka-proud. Alam mo ang sakit ng lalamunan ko kasi kanina pa ako nagpipigil umiiyak,” dire-diretsong chika ni Gelli.

Nang mapanood na ang video message nina Julio at Joaquin na todo ang pasasalamat sa kanya, doon na napaiyak si Gelli. Aniya, super proud daw siya sa kanyang two boys dahil lumaking mababait at marespetong mga bata.

“I just feel really blessed that despite the distance they’ve really parang lived whatever we thought them.

“Kung ano ang itinuro namin habang lumalaki sila hanggang ngayon nakikita ko sa kanila hindi nila nalilimutan.

“I am just grateful that I have the most wonderful children any parent could ask for. It’s just sad lang na hindi kami palagi magkasama sa highs and lows ng buhay nila, hindi kami laging nandoon,” mensahe pa ng aktres na napapanood sa hit Kapamilya series na “2 Good 2 Be True” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gumaganap siya ritong nanay ni Kathryn. In fairness, umaani ng papuri si Gelli mula sa mga manonood dahil sa husay niyang magpatawa at magpaiyak sa programa.

Ariel ibinuking ang sikreto sa 25 years na pagsasama nila ni Gelli bilang mag-asawa: I just listen to my wife, that’s it!

Gelli binalikan ang laban nila ni Ariel kontra-COVID: Nakakabaliw pala ‘yun!

Carmina inalala ang naging simula ng friendship nila ni Gelli: Nakita niya ako na parang kawawang bata sa isang event

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending