May-asawa at mga inang kandidata sa Miss Universe okay para sa Pinay na sponsor
PARA kay Olivia Quido-Co, na skincare sponsor ng Miss Univerese pageant mula pa noong 2019, bukas siya sa napapabalitang pasya ng pandaigdigang patimpalak na tumanggap ng mga kandidatang nakapag-asawa na o nagdalantao na.
“It is okay to give opportunity to anyone,” sinabi ni Co sa kanyang “Beauty Day in Manila” na idinaos sa Edsa Shangri-la sa Mandaluyong City noong Agosto 13.
“Women, whether 21 or 28 years old, still have dreams. I have met some women who have become mothers who still want to showcase their beauty and talent,” pagpapatuloy pa niya.
Kahit wala pang lumalabas na opisyal ng pahayag ng Miss Universe Organization (MUO) sa alinman sa kanilang mga social media account, may umikot nang ulat na isang national director ang nagbahagi ng patakaran mula sa international headquarters na nag-aatas sa kanilang pahintulutan ang paglahok ng mga nakapag-asawa na o mga nagdalantao na sa pagpili ng magiging kinatawan ng kani-kanilang bansa para sa ika-72 edisyon ng pangaigdigang patimpalak sa susunod na taon.
Hindi pa rin ito kinukumpirma ni Miss Universe Philippines National Director Shamcey Supsup-Lee, na third runner-up sa 2011 Miss Universe pageant sa Brazil.
Pawang mga dalaga lang at mga hindi pa nagdadalantao ang pinahintulutang lumahok sa Miss Universe pageant mula nang idaos ang unang edisyon nito sa California noong 1952.
Samantala, ibinahagi rin ni Co na wala pang opisyal na pahayag ang MUO kung saan idaraos ang ika-71 edisyon ng patimpalak ngayong taon, sa kabila ng mga bulung-bulungang may napili nang host country para sa 2022.
Ipinagmalaki rin niyang MUO ang mismong tumawag sa kanya upang muling mag-sponsor para sa ikaapat na pagkakataon. Ibinalita rin niyang balak ng organisasyon ng lumikha ng eksklusibong Miss Universe skincare line kasama siya.
Umuwi sa Pilipinas si Co mula sa Los Angeles, kung saan niya pinatatakbo ang negosyo niya, hindi lang upang ibahagi ang magandang balitang. Sa Beauty Day in Manila, personal niyang nakadaupang-palad ang mga parokyano ng kaniyang mga serbisyo at produktong pampaganda na nandito sa Pilipinas.
Related Chika:
‘Nakakaiyak ang life story ni Miss Universe Canada Nova Stevens’
Pinay beauty expert naniniwalang malakas ang laban ni Rabiya sa 69th Miss U
Christian Bables: Kahit ipis ang role payag ako basta makatrabaho ko lang si Joel Lamangan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.