‘Nakakaiyak ang life story ni Miss Universe Canada Nova Stevens’
NALUNGKOT si Miss Olivia Quido-Co, owner at CEO ng O Skincare and Medspa na official sponsor sa 69th Miss Universe competition sa pamba-bash ng mga Pinoy kay Miss Universe Canada 2020 Nova Stevens.
Aniya, “Regardless of the color, race, height, beauty maganda kasi ang essence ng Miss Universe it’s about sisterhood, it’s about unity. Maganda sana kung ‘yun ang ma-emphasize sa competition kasi instead of nagba-bash.”
Nakapanayam din daw niya si Miss Canada, “Napakaganda ng idea ni Miss Canada na dapat kahit anong lahi, matuto tayong rumespeto.”
“The story of Miss Canada makes me cry. She was separated from her parents when she was a little girl. Finally, they reunited a few weeks before she flew to Florida.
“I also like the idea of Miss Canada that we should respect people regardless of color and race,” pahayag ni Ms O sa virtual interview bago siya tumulak patungong Florida para sa beauty regiment session sa 74 kandidata.
Ang mananalong Miss Universe 2020 ay may one-year prize package from O Skin Med Spa.
Ang nasabing spa ay mas lalong nakilala ng Filipino beauty queens mula kay Miss Universe Philippines 2010-Venus Raj na pinasalamatan nang husto ni Ms O dahil ito raw ang una niyang sponsors na sinundan naman nina Shamcey Supsup (Miss Universe 2011, 3rd Runner-up), Janine Tugonon (Miss Universe 2012, 1st Runner-up), Ariela Arida (Miss Universe 2013, 3rd Runner-up), Pia Wurtzbach (2015 Miss Universe) at Catriona Gray (2018 Miss Universe).
Nabanggit pa na lahat ng nakabili ng Miss U tickets ay, “All ticket holders will under swab tests. It is stated in the tickets. The seating capacity has also been very limited.”
Gaganapin ang 69th Miss Universe coronation night sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida at live telecast ito sa A2Z sa Mayo 17, 8 a.m., with live stream sa Pilipinas through iWantTFC.
* * *
Magsasama ang Asia’s Soul Supreme na si KZ Tandingan at ang rising P-Pop boy group na BGYO na kinabibilangan nina Mikki Claver, JL Toreliza, Akira Morishita, and Gelo Rivera para maghatid ng liwanag at ligaya sa mga Pilipino sa pamamagitan ng “Feel Good Pilipinas” dance video at music video.
Unang pinatikim noong Biyernes (Mayo 7) sa iba-ibang plataporma ng ABS-CBN, nais ng “Feel Good Pilipinas” na bigyang inspirasyon ang mga Pilipino na patuloy na punuin ang kanilang mga tahanan ng saya at pagtibayin ang koneksyon sa isa’t isa sa kabila ng mga pagsubok sa buhay ngayong panahon ng pandemya.
Mapapanood ang dance video sa “ASAP Natin ‘To” ngayong Linggo (Mayo 16) kung saan ilulunsad din nila at ng iba pang Kapamilya stars ang “Feel Good Pilipinas” dance challenge. Samantala, tinatayang bago matapos ang buwan naman unang mapapanood ang mas mahabang music video tampok ang mga kwentong puno ng pag-asa.
Sinulat nina Lawrence Arvin Sibug at Robert Labayen ng ABS-CBN Creative Communication Management (CCM) division ang liriko ng “Feel Good Pilipinas” habang sina Thyro Alfaro at Francis Salazar ang gumawa ng musika nito. Si Maria Lourdes Parawan naman ng CCM ang nagsalin sa Ingles.
Para naman sa dance challenge, ginawa ito ng “Pinoy Big Brother” alumnus at batikang choreographer na si Mickey Perz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.