KZ ipinagmalaki si TJ: Grabe siya magmahal sa parents niya!

KZ ipinagmalaki si TJ: Grabe siyang magmahal sa parents niya!

Ervin Santiago - September 11, 2024 - 09:16 AM

KZ puring-puri si TJ Monterde: Grabe siya magmahal sa parents niya!

KZ Tandingan at TJ Monterde

KUNG may isang ugali na magkapareho ang mag-asawang KZ Tandingan at TJ Monterde, yan ay ang pagiging marespeto at mapagmahal sa mga magulang.

Yan daw ang nagustuhan ng celebrity couple sa isa’t isa na siya ring dahilan kung bakit sila nagkakasundo at nagkakaintindihan sa maraming bagay.

Sa interview ni Melai Cantiveros kina KZ at TJ sa Bisayan talk show na “Kuan on One”, nabanggit nilang grabe ang pagmamahal na ibinibigay nila sa kanilang parents na itinuturing din nilang mga “angel” sa pagsasama nila as a couple.

Baka Bet Mo: Bakit ayaw pang magkaroon ng baby nina KZ Tandingan at TJ Monterde?

Pahayag ni KZ, “Aside from the fact the na same kami ng faith, grabe siya magmahal sa kanyang parents. Grabe siya mag-respect sa kanyang parents.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KZ (@kztandingan)


“Malaking bagay sa akin ‘yun kasi ako ang type na, bahala na kung hate ako ng lahat ng tao sa mundo basta okay kami ng aking mga magulang.

“Wala akong pakialam. Ganu’n din siya. Grabe siya mag-value sa kanyang parents. Grabe siya mag-alaga,” dagdag ng Kapamilya singer-songwriter.

Sinang-ayunan naman ni TJ ang kanyang misis, “Pareho kaming mapagmahal sa mga magulang. As in sobra! Kung gaano niya kamahal ang kanyang mama at papa, ganu’n niya rin kamahal ang aking mama at papa.”

Baka Bet Mo: KZ nagpasabog ng kilig vibes sa birthday message kay TJ: You are the kindest, most loving, and most understanding person…

Inalala pa ni TJ yung panahong dinala nila ang kanilang mga magulang sa Japan last year para magbakasyon.

“Tulad nu’ng nag-Japan kami late last year, trineat namin ang aming parents. Parang sabay sila. Both parents namin ay dinala namin sa Japan.

“So malaking bagay ‘yun para sa akin dahil mahal na mahal ko ang aking parents kaya kung paano sila minamahal ay malaking bagay para sa akin,” lahad pa ni TJ.

Kahit nga raw ang second wedding nila ni KZ noong 2023 ay dedicated din sa kani-kanilang mga magulang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KZ (@kztandingan)


“Tapos nu’ng kasal namin dahil pandemic pa ‘yun, nagpakasal kami ulit. ‘Yung pangalawang kasal namin last year para sa parents namin ‘yun. Para makadalo sila. So ‘yun ang pinakanagustuhan ko sa kanya,” pagbabalik-tanaw ni TJ.

Unang ikinasal sina KZ at TJ noong August, 2020 sa The Farm at San Benito sa Batangas kung saan hindi nga nakadalo ang kanilang mga parents dahil sa COVID-19 pandemic.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagsapit ng August, 2023, muli silang nagpakasal kasama na ang kanilang mga magulang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending