Rico Yan may kamukhang-kamukhang bagets: Parang nabuhay uli siya! | Bandera

Rico Yan may kamukhang-kamukhang bagets: Parang nabuhay uli siya!

Ervin Santiago |August 21,2022
facebook
share this

Rico Yan may kamukhang-kamukhang bagets: Parang nabuhay uli siya!

Ervin Santiago - August 21, 2022 - 06:22 PM

Rico Yan, Alfy Yan-Tueres at Bobby Yan

FEELING ng mga netizens, nabuhay muli ang dating matinee idol na si Rico Yan sa katauhan ng isa niyang pamangkin.

Ang aming tinutukoy ay ang artistahing anak ng kapatid ni Rico Yan na si Geraldine – siya si Alfonso “Alfy” Yan-Tueres na usap-usapan nga ng mga Marites sa social media.

In fairness, mahigit dalawang dekada nang wala si Rico pero hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin ang mga alaala niya sa isip at puso ng kanyang mga fans.

At dahil nga sa mga litrato ng pamangkin niyang si Alfy, marami ang nagsabi na pwedeng-pwedeng ipagpatuloy ng binatilyo ang nasimulang career noon ni Rico na sumakabilang-buhay sa edad na 27.

Namatay ang aktor dahil sa “cardiac arrest resulting from hemorrhagic pancreatitis” habang nagbabakasyon sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa, Palawan noong March, 2002.

Base sa mga nabasa naming comments ng mga netizens, tinawag nilang “mini me” si Alfy habang “Little Rico Yan” naman ang tingin ng ilang fans sa bagets.

May nagsabi naman na parang nag-reincarnate ang namayapang aktor sa katauhan ng kanyang pamangkin, “Parang nabuhay uli si Rico Yan. Kamukhang kamukha mo talaga siya!”

Marami rin ang nagkomento na sana raw ay pasukin din ni Alfy ang pag-aartista. Sey ng isang netizen, “Pasok na sa showbiz Alfy at sundan mo ang yapak ni Tito Rico Yan mo.”

Comment ng isa pa, “Continue your uncle’s legacy. I’m sure you’ll go a long way once youve entered showbizness. Kinilabutan ako ng makita ko ang photo mo.”

Marami-rami ring nagawang teleserye at pelikula si Rico, kabilang na ang blockbuster hit na “Got 2 Believe” with his onscreen and real-life partner Claudine Barretto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napanood din siya sa youth-oriented show na “Gimik” at sa mga Kapamilya soap opera na “Mara Clara,” “Mula Sa Puso” at “Esperanza” kasama si Judy Ann Santos.

Angelica halos mabaliw nang malamang buntis: Natatakot ako! Kaya ko ba magpalaki ng bagets?

Seryoso, ang bait ni bro Baron Geisler, kaya wag mag-judge agad!

Kim Chiu proud tita sa 3 pamangkin na nagtapos ‘with honors’: I wanna cry na…parang ako yung nagluwal!?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending