Sulat mula kay Rina, ng Barangay San Mateo,
Kidapawan City
Problema:
1. Nag-Japan ako noon at maganda naman ang kita. Hanggang sa napadpad ako sa trabaho na walang kaugnayan sa gabi. Nang natapos ang aking visa ay umuwi na ako at hindi na na-extend. Pero balak kong bumalik nang makatanggap ako ng message sa aking bayaw na Hapon.
2. Nagtataka ako dahil napakahirap nang mag-Japan ngayon. Isang taon na akong naglalakad ng mga papeles ay wala pa ring nangyayari. Itatanong ko lang kung may pag-asa pa kaya akong makabalik ng Japan at muling magkaroon ng magandang trabaho doon?
Umaasa,
Rina, ng Barangay San Mateo, Kidapawan City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ang nagsasabing kung ang bayaw mong Hapon na tumutulong sa iyo ay isinilang sa zodiac sign na Aries o kaya’y Leo, tiyak ang magaganap, matutulungan ka niya upang sa taon 2014 muli kang makabalik sa Japan.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing sa sandaling nakabalik ka uli sa Japan sa pangalawang beses ay tuloy-tuloy na uli— lagi ka ng makapagdya-Japan hanggang sa tulad ng iyong ate ay makapag-aasawa ka na rin ng isang Hapon hanggang sa tuloy-tuloy nang yumaman.
Graphology:
Upang magtuloy-tuloy ang suwerte sa pangingibang bansa, habaan mo ang krokis ng letrang “t” sa iyong pirma. Sa mahabang krokis ng letrang “t” tuloy-tuloy kang magtatagumpay sa larangan ng salapi at magiging maligaya sa larangan ng pag-ibig.
Huling payo at paalala:
Rina, ayon sa iyong kapalaran, ituloy mo lang ang pagnanais na muling makabalik ng Japan dahil sa taon ding ito ng 2013 tulad ng nasabi na, sa buwan ng Setyembre hanggang Nobiyembre sa edad mong 28 pataas, ay matutupad na ang matagal mo nang hinihintay at pinapangarap. Sa ikalawang pagkakakataon mas produktibo at mas masaganang pagdya-Japan ang itatala sa iyong kapalaran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.