Darryl Yap muling hinamon si Vince Tañada: Post your cinema list
MULI na namang hinamon ni “Maid in Malacañang” director na si Darryl Yap sa award-winning writer and director na si Atty. Vince Tañada.
Ito ay kaugnay sa naging pahayag ni Direk Vince na hindi flop ang kanyang pelikulang “Katips” at naging matagumpay ito.
“Hindi rin kami flop kasi hanggang ngayon showing kami… sila daw 218 cinemas, kami 60 na lang, pero ang totoo 110 pa rin kami hanggang ngayon,” saad ni Direk Vince.
Dagdag pa niya, “Successful ang Katips dahil sobra-sobrang laki yung kinita ng Katips kumpara doon sa pinuhunan namin.”
Mukhang namang hindi naniniwala si Darryl kaya naman muli niyang hinamon ang “Katips” director.
“CHALLENGE #2 Vince Tañada, POST YOUR CINEMA LIST. Para alam ng mga gustong manood ng pelikula mo kung saang 44 CINEMAS sila puwedeng manood,” saad niya.
Dagdag pa ni Darryl, “Para meron silang guide kung saang 44 CINEMAS sila malapit at kung saang 44 CINEMAS kanila puwedeng suportahan kasi 44 CINEMAS na yun.
“Hindi na masama ang 44 CINEMAS, lagpas 43 ang 44 CINEMAS. grabe 44 CINEMAS dapat ipagpasalamat na ang 44 CINEMAS,” hirit pa niya.
Wala pa namang tugon ang Best Actor at Best Director ng nagdaang 70th FAMAS ukol sa challenge ni Darryl.
Maraming salamat to my Alma Mater San Beda University #KatipsTheMovie pic.twitter.com/lJDOwtIoQ7
— Vince Tanada (@VinceTanada) August 15, 2022
Matatandaang ang unang hamon ng “Maid in Malacañang” kay Direk Vince ay ilabas nito sa publiko ang tunay na kinita ng pelikulang “Katips”.
“For the sake of honesty and for your cause to fight disinformation, I challenge Vince Tañada to disclose the real numbers of his films’ gross,” chika ni Darryl.
Pagpapatuloy pa niya, “Explain why you joked about 41.8M for your opening day and why you enjoy the fake news of 198M as your total gross to date.”
Hirit pa niya, dapat daw ay kalabanin ang “bigger enemy” ngayon.
Matatandaang sinabi ni Direk Vince na ang disinformation ang mas malaking kaaway at hindi ang pelikula ni Darryl na “Maid in Malacañang”.
“Together, we must fight the bigger enemy Mr. Tañada. This and all for the sake of the Philippine Movie Industry and our Responsibility to the Bureau of Internal Revenue Philippines,” sey pa niya.
Related Chika:
Hirit ni Vince Tañada, hindi anti-Marcos o pro-Aquino ang ‘Katips’: This is about the experience of ordinary Filipino
Vince Tañada inilaban na mapanood sa mas maraming sinehan ang ‘Katips’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.