Darryl Yap hindi naniniwalang propesyon ang pagiging historian: Masisipag sila na kumakalap ng mga impormasyon pero... | Bandera

Darryl Yap hindi naniniwalang propesyon ang pagiging historian: Masisipag sila na kumakalap ng mga impormasyon pero…

Therese Arceo - August 05, 2022 - 01:18 PM

Darryl Yap hindi naniniwalang propesyon ang pagiging historian: Masisipag sila na kumalap ng mga impormasyon pero...
ISA sa mga napag-usapan nina Darryl Yap at Boy Abunda ang kontrobersyal nitong pelikula na “Maid in Malacañang”.

Sa YouTube vlog ng TV personality na “The Boy Abunda Talk Channel” na uploaded noong August 4 ay nagbigay ng pahayag ukol sa kanyang pananaw sa mga historians.

“Sa tingin ko, lahat ng tao naman ay historian eh. Sa palagay ko, lahat tayo, may pinanghahawakan sa kasaysayan, at may iba-iba tayong tingin sa kasaysayan,” saad niya.

“Hindi kayang ikulong ng libro o ng isang panulat o ng isang historian ang sa palagay mo’y nangyari,” pagpapatuloy niya.

Naniniwala raw siya na hindi dapat maging propesyon ang pagiging historian.

“I don’t believe that historians should be a profession. I believe that historians are researchers. Masisipag sila na kumakalap ng mga impormasyon pero para sabihin na lahat ng isusulat nila ay 100% true at walang personal na interpretasyon, ‘yun ang hindi ko matatanggap,” sey ni Darryl.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA Films (@viva_films)

 

Dahil para sa kanya, lahat ng tao ay mayroong emotional attachment at ito ang nagiging bias sa isang bagay.

Pwede raw na magalit sa kanya ang mga historians dahil sa kanyang pahayag ngunit naniniwala raw talaga siya na lahat ay may take sa kasaysayan.

“Kaya tayo nananatiling may diskurso. Kaya ang history ay hindi natatapos isulat dahil may mga bagong lumalabas na datos, may mga bagong lumalabas na kaganapan dahil lahat ng mga historyador ngayon ay wala noong panahon ng kanilang kinukuhaan ng kasaysayan,” sey pa ni Darryl.

Matatandaang naging kontrobersyal ang isa sa mga casts ng “Maid in Malacañang” na si Ella Cruz matapos niyang ibahagi na para sa kanya ay “History is tsismis” na siyang natutunan raw niya habang ginagawa ang pelikula.

Marami ang naimbyerna at napataas ang kilay sa tinuran ng dalaga na pghahalintulad ng kasaysayan sa tsismis dahil kahit kailan ay hindi naman naging tsismis ang kasaysayan bagkus ito ay katotohanan.

Ilang araw rin itong pinag-usapan dahil maski ang mga celebrities at mga historians ay nag-react dito ngunit ipinagtanggol naman siya ng direktor na si Darryl sa pamamagitan ng paggawa ng isang video na inilabas sa VincenTiments page kung saan nandoon sina Ella at Sen. Imee Marcos.

Nang tanungin naman siya kung ilang porsyento ang “factual” at “fiction” sa kanyang pelikula ay aminado siyang hindi niya ma-calculate ngunit sinabi niya na “very little” ang kanyang ginamit na artistic license sa “Maid in Malacañang”.

Related Chika:
Ella Cruz sa pagkakakilala sa mga Marcos: Bakit ganu’n nabasa ko sa libro?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Darryl Yap boldyak sa netizens dahil sa eksena sa ‘Maid in Malacañang’: Gumamit pa talaga ng sulo… May aswang ba diyan?

Anne Nelson itinama si Darryl Yap: There is nothing in it that says the nuns played mah-jongg with Cory Aquino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending