Ella Cruz sa pagkakakilala sa mga Marcos: Bakit ganu'n nabasa ko sa libro? Bandera

Ella Cruz sa pagkakakilala sa mga Marcos: Bakit ganu’n nabasa ko sa libro?

Therese Arceo |July 19,2022
share this

Ella Cruz sa pagkakakilala sa mga Marcos: Bakit ganu’n nabasa ko sa libro?

Therese Arceo July 19, 2022 - 05:16 PM

Ella Cruz sa pagkakakilala sa mga Marcos: Bakit ganu'n nabasa ko sa libro?

IBA raw ang pagkakakilala ng aktres na si Ella Cruz sa pamilya Marcos noong nag-aaral pa siya base sa mga librong nababasa kaysa sa pagkakakilala na niya ngayon sa pamilya simula nang maging parte siya ng pelikulang “Maid in Malacañang”.

Aniya, may mga nababasa daw siya sa libro na hindi tama base sa kanyang pagkakakilala sa ngayon sa mga Marcos.

“Ang topic in school po na nakilala ko sila dahil siyempre kasama ‘yun sa pinag-aaralan ko sa school. Pero after po, doon ko nakita na ‘Uy totoong tao sila’, tao sila na may mga hindi tama sa mga nababasa natin, nakita ko ho si Senator Imee sa pamilya niya na parang bakit ganun yung nabasa ko sa libro? Eh si Senator Imee, mahal na mahal niya yung pamilya niya,” pagbabahagi ni Ella.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝚎𝚕𝚕𝚊 ✨🪬 (@ellacruz)

Siya mismo daw ay napatunayan niya kung gaano ka-mapagmahal ang senadora sa kanyang pamilya taliwas sa mga nauna raa na sinabi ukol sa senadora.

Humingi rin ng paumanhin si Ella sa mga na-offend niya lalo na ang mga historians sa naging kontrobersyal niyang pahayag ukol sa kasaysayan.

“Yung mga historians po, hindi ko naman kayo meant na ma-offend sa sinabi ko. Of course I respect all the professionals po. Pero ito po kasi yung pagkakakilala ko personally sa ating Senador Imee Marcos,” sey pa niya.

Matatandaang umingay ang pangalan ni Ella kamakailan matapos ang kanyang naging pahayag na “history is like tsismis”.

Marami ang hindi natuwa sa kanyang pagkukumpara ng kasaysayan sa tsismis dahil malayong-malayo ang dalawa.

May mga nagsasabi rin na nakakabastos ang sinabi ni Ella dahil hindi lang basta basta tsismis ang kasaysayan dahil base ito sa tunay na pangyayari.

Marami rin ang nagpangaral sa aktres gaya na lamang nina Pokwang, Agot Isidro, G Tongi, at maging ang historian na si Ambeth Ocampo.

Naging tahimik si Ella ukol sa isyu sa kabila ng mga pangangaral sa kanyang ng mga tao ngunit pumalag na nang madamay ang ama sa pambabatikos sa kanya ng ilang netizen.

Matapos nito ay lumabas naman soya sa isang Facebook video na in-upload ng VinCentiments kung saan nakasama niya si Sen. Imee Marcos.

“Mali po ba ‘yung sinabi ko na ‘History is like tsismis’? Hindi ko naman sinabi na ‘History is tsidmis’ tapos diyan na lang sila nag-focus, hindi sa paliwanag,” saad ni Ella.

Dagdag pa niya, “History is opinionated. Eh Hindi ka naman po puwedeng maging historian kung hindi ka marunong mag-interpret.”

Related Chika:
Ella Cruz umalma sa mga bashers: Huwag n’yong idadamay ang pamilya ko

Ryan winner sa ‘best wedding proposal ever’; idinaan sa libro ang pagtatapat kay Juday

Ella Cruz basag na basag din kay Pokwang: Mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat ‘Nak…nakakatalino daw yun

Ella Cruz ayaw sumabak sa sexy movies ng Vivamax: Ay, ibang level yun! Nakakaloka, hindi ko kaya!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending