Francine muling sasabak sa matinding dramahan, pasabog ang bagong role: Marami siyang personality pero hindi nag-iiba ng anyo, ha! | Bandera

Francine muling sasabak sa matinding dramahan, pasabog ang bagong role: Marami siyang personality pero hindi nag-iiba ng anyo, ha!

Ervin Santiago - August 16, 2022 - 07:44 AM

Francine Diaz at Seth Fedelin

BUKOD sa matinding challenge na haharapin ni Francine Diaz sa bago niyang teleserye sa ABS-CBN inaatake rin siya ng magkahalong kaba, takot at excitement dahil sa mga makakasama niya sa naturang project.

Ang tinutukoy ng Kapamilya young actress ay ang upcoming series nilang “Dirty Linen” kung saan makakasama niya bilang bagong screen partner si Seth Fedelin.Ito’y pagbibidahan din nina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Janice de Belen, Joel Torre, Susan Africa, Tessie Tomas, Nanding Josef at Soliman Cruz.

Makaka-join din sa serye sina Epy Quizon, JC santos, Christian Bables, Aubrey Miles, CJ Navato, Xyriel Manabat, Raven Rigor, Ana Abad Santos, Rubi-Rubi at Jennica Garcia.

“Kinakabahan ako na excited. Kinakabahan dahil parang ang tagal bago ako ulit bumalik sa serye dahil kailan ba ‘yung Bola-Bola (huli niyang serye)? Parang February pa or March.

“Pero excited ako kasi meron akong mga bagong makakasama and I’m sure marami silang maituturo sa akin pagdating sa acting at siyempre another family and friends,” sey ng dalaga sa panayak ng “Star Magic Inside News.”

Ano nga ba ang magiging role niya sa “Dirty Linen”? “Para siyang maraming personality pero hindi sa point na nag-iiba siya ng anyo, ha?

“Kasi di ba, may iba doon sa mga movies na kapag sinabi mo na ito ‘yung unang personality mo na bata, siya magiging bata rin talaga siya.

View this post on Instagram

A post shared by BENCH/ lifestyle + clothing (@benchtm)


“Pero ‘yung sa akin naman mas nag-iiba kung paano siya makitungo kapag kasama niya ‘yung family niya, kapag kasama niya ‘yung friends, kapag mag-isa na lang siya, at kapag talagang basag na siya so I think iyon ‘yung magiging challenge sa akin,” kuwento ni Francine.

“‘Yung magiging challenge sa akin is ‘yung character ko of course pero ‘yung challenge rin kasi is ‘yung kapag makakaeksena ko siyempre magagaling at mga bigating artista ‘yung makakasama namin dito sa Dirty Linen pero excited ako,” sabi pa ng aktres.

Ibang-iba raw talaga ito sa naging karakter niya sa “Bola-Bola”, “‘Yun kasi sobrang light niya eh, tapos kahit umiyak ako hindi naman ganu’n kabigat ‘yung hinihiling niya.

“Hindi katulad sa mga drama na talagang kapag iyak, iyak talaga, hagulhol. Pero dito parang biglang naging heavy scene from light kaya another challenge,” pag-amin ng dalaga.

Nang tanungin kung si Seth na nga ang magiging ka-loveteam niya sa “Dirty Linen”, “Hindi ko pa pwede makwento kasi baka ma-spoil, pero masasabi kong merong similarities ‘yung character namin ni Seth sa music video ng ‘Muli.’ Pero kailangan abangan niyo kung ano ‘yun.”

Samantala, speaking of “Muli” music video ni Ace Banzuelo, sinabi ni Francine na isang blessing din ito para sa kanila ni Seth.

“Another blessing and opportunity sa amin ni Seth given na kaka-introduce lang sa amin sa mga tao na bagong pair and of course dahil si Ace din napakagaling niyang singer talaga.

“Palagi ko kasing naririnig ‘yung ‘Muli’ sa TikTok tapos pinapatugtog siya ng ate ko dati pa so medyo familiar na ako dun sa kanta and knowing na number one ‘yun sa Spotify and even sa Global kaya nakakatuwa na kami ‘yung kasama doon sa music video ni Ace,” aniya.

https://bandera.inquirer.net/302259/francine-diaz-single-pa-rin-hindi-naman-sa-ayaw-ko-ng-love-life-pero-hindi-pa-po-ako-ready
https://bandera.inquirer.net/310614/ina-ni-francine-tinalakan-si-andrea-wag-mong-piliting-maubos-ang-pasensya-ko-magkakaalaman-tayo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/310687/kc-concepcion-pinalitan-si-toni-gonzaga-bilang-lead-star-sa-us-movie-asian-persuasion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending