Marian bigla raw tinanggal ang litrato sa Instagram nang may mapansin ang netizens... | Bandera

Marian bigla raw tinanggal ang litrato sa Instagram nang may mapansin ang netizens…

Reggee Bonoan |August 15,2022
facebook
share this

Marian bigla raw tinanggal ang litrato sa Instagram nang may mapansin ang netizens…

Reggee Bonoan - August 15, 2022 - 05:58 PM

Marian Rivera

HABANG sinusulat namin ang balitang ito ay tinanggal na ni Marian Rivera ang ipinost niyang larawan sa Instagram na mula sa pictorial cover niya sa kilalang magazine.

Trending si Marian kaninang umaga nang i-post niya ang nasabing litrato sa kanyang Instagram account dahil ang reaksyon ng mga nakakita rito — mukhang nasobrahan umano ito sa editing.

Pero bago pa ito inalis ng aktres ay naipadala na ang nasabing larawan sa amin ng isang source at tinanong pa nga kami kung ano ang nakita naming pagbabago.

Hindi namin kaagad napansin, kaya ang sabi ng aming kausap, “Nagmukha siyang si Lastikman, check mo ‘yung kamay at braso.”

View this post on Instagram

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)


Ang caption ni Marian sa larawang ipinost niya sa IG ay, “All Hail The Queen: Marian Rivera Talks About Being in Control and Embracing The New Stage of Her Life… see more.”

May kasunod pa sana ito kaso hindi na ito makikita ngayon sa IG post ng aktres na katatapos lang magdiwang ng kanyang kaarawan nitong Agosto 12.

Pawang magagandang anggulo na ng aktres ang naka-post ngayon sa kanyang social media account mula sa kilalang magazine.

Bukas ang BANDERA sa magiging official statement ng kampo ni Marian hinggil sa nasabing larawan.

* * *

Emosyonal ang talent manager-host na si Manay Lolit Solis dahil may nag-offer sa kanya ng kidney transplant at sagot naman ng isa ring personalidad ang operasyon.

Kasalukuyan kasing nagda-dialysis si manay Lolit at aminadong nahihirapan na siya dahil sa edad niya.

Ipinost niya ang larawan ni Ms. Alice Eduardo, isang kilalang negosyante. Ang caption ni Manay, “Salve umuulan at day of tears ko yata talaga. After ako maiyak sa offer ni Mayor Enrico Roque (Pandi, Bulacan) ng kidney transplant, sumunod agad ang tawag ni mama Alice Eduardo at sinabing kung kailangan siya ang bahala sa operasyon.

“Hindi ka ba iiyak Salve sa dami ng mga taong nagmamahal sa iyo na handa kang tulungan anytime na you are in need. Salve at Gorgy, what have I done to deserve this kindness and love?

“O talaga siguro binigyan ako ni God ng mga angels para magbantay sa akin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sorry kung wala kayong mga friends na tulad ng akin, sorry kung bakit parang lahat ng friends ko Rich Asians, talagang suwerte ako, pasensiya na. I love you mama Alice Eduardo, forever #classiclolita,” sabi pa ni Manay Lolit sa kanyang post.

Piolo Pascual hot na hot pa rin kahit 45 na

Julia tinanggal ang litrato ni Gerald sa IG na may kasamang aso; na-guilty sa isyu ni Dennis?

Rufa Mae kinuhang cover girl sa isang Hollywood magazine: Go, go, go! Hindi na ito joke!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending