Joshua Garcia pumayag agad sa topless scene sa 'Darna': Why not...hindi naman siya sobrang laswa Bandera

Joshua Garcia pumayag agad sa topless scene sa ‘Darna’: Why not…hindi naman siya sobrang laswa

Ervin Santiago |August 09,2022
share this

Joshua Garcia pumayag agad sa topless scene sa ‘Darna’: Why not…hindi naman siya sobrang laswa

Ervin Santiago - August 09, 2022 - 09:49 AM

Joshua Garcia

NAPAPAYAG ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia na magpakita ng hubad na katawan sa isang eksena niya sa upcoming action-adventure-drama series na “Mars Ravelo’s Darna”.

Ayon kay Joshua, kailangan naman daw sa kasi ang nasabing “topless scene” sa istorya kaya naman hindi na siya nag-inarte na gawin ito para sa ikagaganda ng “Darna.”

Kagabi, sa naganap na grand media launch ng bagong TV version ng iconic Pinay superhero, natanong si Joshua kung paano siya napapayag na gawin ang nasabing eksena na talagang nag-viral sa social media.

“Na-convince ako kasi nasa tamang edad na rin naman ako and hindi naman sa sobrang laswa na ipapakita ko ’yun. Topless lang. Okay lang naman,” paliwanag ng binata na siyang magiging leading man ni Jane de Leon sa “Darna.”

Dagdag pa ni Joshua, “Nahirapan lang akong mag-prepare. Medyo nagbuhat ako nang kaunti. Kaunti lang. Hindi talaga ako sanay na nagbubuhat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae)


“Labas din siya sa comfort zone ko so why not gawin natin hanggang sa nangyari na,” dagdag ng aktor na hindi nakarating sa face-to-face presscon ng “Darna” series kaya sa pamamagitan lang ng zoom siya humarap sa media.

Samantala, inamin naman ni Joshua na inatake rin siya ng kaba at takot nang malamang ang award-winning veteran filmmaker na si Chito Roño ang magiging direktor nila sa “Darna”.

Ngunit aniya, napakasarap at napakasayang katrabaho ni Direk Chito bukod pa sa napakarami talaga niyang natutunan mula sa batikang direktor.

Napakaswerte nga raw niya dahil nabigyan siya ng chance na maidirek ng isang Chito Roño at forever daw niyang ite-treasure ang mga natutunan niya sa paggawa ng “Darna.”

Makakasama rin sa cast ng serye sina Iza Calzado bilang si Eleonor, ang unang Darna at nanay ni Narda (Jane), Janella Salvador as Valentina, Zaijian Jaranilla as Darna’s sidekick na si Ding, at marami pang iba.

Mapapanood na ang “Mars Ravelo’s Darna” simula sa August 15 s Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.

Pamilya ni Mars Ravelo puring-puri si Jane de Leon, aprub sa bagong costume ni Darna: Yes, the best!

Ate Vi kay Jane bilang bagong Darna: Nasa ‘yo na ang bato, pangalagaan mo at maging ehemplo ka ng henerasyon ngayon

Sharon Cuneta tinanggihang bumida sa ‘Darna’ noong 20 years old siya, bakit kaya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending