Lead actress sa isang pelikula sobrang mag-inarte sa shooting, pati suot na t-shirt ng staff pinahubad, pinapalitan Bandera

Lead actress sa isang pelikula sobrang mag-inarte sa shooting, pati suot na t-shirt ng staff pinahubad, pinapalitan

Reggee Bonoan |August 08,2022
share this

Lead actress sa isang pelikula sobrang mag-inarte sa shooting, pati suot na t-shirt ng staff pinahubad, pinapalitan

Reggee Bonoan - August 08, 2022 - 03:19 PM

Ma-gets n’yo kaya kung sino ang aktres na ito? Guess, guess na!

MUKHANG kailangang gumamit ng shades ang lead actress ng isang pelikula dahil nasisilaw siya sa white shirt na suot ng staff ng production.

Lukang-luka ang buong production team ng ikuwento ng staff na sinita siya ng lead actress dahil nakasuot siya ng puting t-shirt.

“Ayaw niya at nasisilaw daw siya (lead actress) kaya pinagpapalit niya ng damit. Hello, pati ba isusuot na damit ng prod, pinakikialaman niya? Paano kung walang ekstrang dala? Limitado kasi dahil nasa lock-in shoot sila,” ang kuwento ng aming source.

Dagdag pa ng kausap namin, “Hindi nagpalit ‘yung staff, dinedma niya si ____ (lead actress).”

Sa unang araw palang daw ng lock-in shoot ay iba na ang mood ng lead actress dahil ang daming hinihingi at inaayawan gayung okay naman lahat noong nagkaroon sila ng zoom meeting bago sila magsimula.

“Ang eksena nasa kalye, siyempre pag kalye may mga tao, ayaw niya  kasi maingay daw, maghanap daw ng kalye na walang tao para walang ingay. E, ‘yung ingay at mga tao kasama sa eksena.

“Ayaw niya, hanap daw ng kalyeng walang tao tapos ‘yung nasa background na tao, mga prod staff na lang daw. Gusto niya loob ng subdibisyon?” tsika pa ng source namin.

At para matapos na agad ang eksena na may hinahabol na oras ay pinaalis na lang daw lahat ang tao sa set at nasunod ang gusto ng bidang babae na puro prod staff ang background.

Parang first time naming marinig na inireklamo ang lead actress na may ganitong ugali dahil ang alam namin ay mabait ito sa production staff saka malalaman namin dahil halos tsika namin ang mga nakaka-work niya sa network kung saan siya konektado.

“E, kasi outside ito ng network niya kaya siguro uma-attitude,” giit ng source namin.

Hmmmm, posible kasi nga kung iinartehan niya ay ang mga taga-prod ng network kung saan siya konektado, e, tiyak na mapapagalitan siya o kaya hindi na siya bibigyan ng project.

Hindi pa rin kami maka-get over sa kuwentong hindi kagandahan ang ugali ng lead actress dahil mabait nga talaga ito at maayos ding makitungo sa press at vloggers.

“Baka kasi kilala kayo (press) kaya mabait, pero may ugali talaga,” sambit pa ng kausap namin.

Baka hindi nga lang talaga uma-attitude sa network kung saan siya konektado kasi hindi siya uubra sa mga bosses, production people at mismong co-actors niya dahil mas senior sa kanya.

Vice Ganda namigay ng pera sa mga ‘It’s Showtime’ staff and crew: P5,000 bawat isa!

Rica nanawagan sa seguridad at proteksyon ng mga kasambahay: Nakatagpo kami ng maayos na kasama sa buhay…

Willie kailangang magbawas ng staff sa ‘Wowowin’, balak mag-live show sa Puerto Galera

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending