Janine natorpe kay Lovi, hindi alam kung paano ibibigay ang birthday gift: Like, shocks! I’m shy!
INAMIN ni Janine Gutierrez na “natorpe” siya kay Lovi Poe noong nasa shooting sila ng bagong iWantTFC lesbian o Girls Love series na “Sleep With Me.”
Ito ang unang pagkakataon na sasabak sa isang proyekto na may konek sa LGBTQIA+ community kaya naman super excited na ang kanilang mga fans na mapanood ito simula sa August 15.
Ang saya-saya ng naganap na face-to-face mediacon nitong nagdaang August 4 nina Lovi at Janine para sa nasabing online series kasama ang direktor nilang si Samantha Lee.
Ayon sa dalawang award-winning actress, marami silang natutunan at rebelasyon tungkol sa same-sex relationships habang ginagawa nila ang “Sleep With Me.”
Sa naganap na presscon ng GL series, natanong sila kung willing ba silang pumasok sa isang seryosong same-sex relationship kung wala silang mga male partners.
Sagot ni Lovi, “I think we all just love the same, when we love, we love. I think there’s no explanation behind it. Kasi pag may mahal tayo it’s something that we feel. It’s not like we choose to, it just happens.”
Para naman kay Janine, “You can never tell, ‘di ba? You dont really know what happens ang hirap magsalita ng tapos.
“What matters is the kind of love. Is it the kind of love that makes you feel good, fulfilled and safe and I guess yun talaga yung magiging basehan mo if you go into a relationship,” dagdag pa ng rumored girlfriend ni Paulo Avelino.
View this post on Instagram
Samantala, kilig na kilig naman ang dalawang aktres nang mapag-usapan ang naging experience nila while shooting for their first project together bilang mga Kapamilya.
Sey ni Lovi kay Janine, “Actually nako-conscious na akong tumingin sa kanya ng diretso sa mata. Ha-hahahaha!”
Kuwento naman ni Janine, noong mag-celebrate si Lovi ng kanyang birthday sa kanilang lock-in taping may binili raw siyang regalo para sa kanyang “leading lady”.
Isa raw itong merchandise mula sa favorite TV show ng dalaga. Pero chika ni Janine, parang nahihiya siyang ibigay ito kay Lovi nu’ng mismong araw ng kaarawan nito.
“Nag-birthday siya nu’ng lock-in, I ordered her a gift na Friends merch because I know love niya yung Friends. Pero parang natotorpe ako na I don’t know how to give it to her like, ‘Shocks, I’m shy!'” tawa nang tawang chika ni Janine.
Tuwang-tuwa naman si Lovi nang matanggap at makita ang birthday gift ni Janine sa kanya. Aniya, pumasa naman daw si Janine sa pagpapakilig sa kanya.
Ang “Sleep With Me” ay isang six-episode “queer female love story” na nanalo kamakailan ng Audience Award for Best Episodic nang magkaroon ito ng world premiere last July 19 sa Episodes section ng 40th Outfest LGBTQ+ Film Festival na ginanap sa Los Angeles.
https://bandera.inquirer.net/314169/lovi-poe-biglang-na-conscious-kay-piolo-bakit-kaya
https://bandera.inquirer.net/316985/girlslove-poster-ng-lgbtq-series-nina-janine-at-lovi-na-sleep-with-me-pinusuan-ng-netizens
https://bandera.inquirer.net/316920/bakit-maluha-luha-si-denise-laurel-habang-pinupuri-si-lovi-poe-sa-presscon-ng-flower-of-evil
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.