Herlene Budol ni-reveal ang dahilan ng pagsali sa Binibining Pilipinas: Praktikal na tayo Bandera

Herlene Budol ni-reveal ang dahilan ng pagsali sa Binibining Pilipinas: Praktikal na tayo

Therese Arceo |August 06,2022
share this

Herlene Budol ni-reveal ang dahilan ng pagsali sa Binibining Pilipinas: Praktikal na tayo

Therese Arceo August 06, 2022 - 10:46 AM

Herlene Budol ni-reveal ag dahilan ng pagsali sa Binibining Pilipinas: Praktikal na tayo

IBINAHAGI ng sexy comedienne-vlogger na si Herlene Budol na ang rason kung bakit siya sumali sa Binibining Pilipinas ay para magkaroon ng bahay.

Sa kanyang latest vlog ay ibinahagi ng Bb. Pilipinas 1st runner-up kung sino nga ba ang nag-push sa kanya para sumali sa beauty pageant kapalit angminimithi niyang bahay para sa kanyang pamilya.

“May i-share lang ako sa inyo, anong dahilan kung bakit ako sumali ng Binibining Pilipinas… sasagutin ko na nang totoo,” umpisa ni Herlene.

Aniya, wala naman daw talaga siyang balak pasukin ang mundo ng beauty pageants gaya ng Binibining Pilipinas noon dahil sa tingin niya ay hindi bagay sa kanyang personality ang mga ganitong klaseng patimpalak.

Kuwento ni Herlene, “Yung unang tao na nag-push sa akin, nakakita ng potential bilang beauty queen ay si Sir Wilbert talaga. Sinabi ko nung una na ayoko, kasi ayoko talaga.

“Parang kabaliktaran kasi siya talaga ng buhay ko. Hindi ako sobrang pa-girl, hindi ako demure, hindi ako proper. Basta hindi ako yun.”

Ngunit hindi daw siya sinukuan ng kanyang talent manager na si Wilbert Tolentino at palagi siyang pinu-push sa tuwing magkikita sila.

“Alam niyo, in-offer-an niya ako, ‘Gagawin ko sa ‘yo yung ginawa ko kay Madam Inutz, pumasok siya ng PBB (Pinoy Big Brother), bibilhan ko siya ng bahay. So, sumali ka ng BBP (Binibining Pilipinas) bibilhan kita ng bahay,'” pangungumbinso raw sa kanya ng talent manager.

At kahit nga ba kinakabahan siya at wala talaga sa kanyang pangarap ang sumali, tinanggap daw niya ang alok ng talent manager.

“Sino ba namang tanga ang hindi papayag dun? Praktikal na tayo, hindi naman kami mayaman ng pamilya ko. Kung nakikita niyo naman sa mga vlog namin, wala kaming kisame, mainit yung bahay namin, magulo yung bahay namin,” lahad ni Herlene.

Dagdag pa niya, “Isa yun sa pangarap ko, na magkaroon kami ng bahay. Kahit anong trabaho ko, kahit sampung taon pa ako magtrabaho, makakabili ako ng bahay pero matagal na panahon.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

Bigla na lang napahagulgol ang dalaga nang mabanggit ang kanyang mga lolo at lola na siyang nagpalaki sa kanya.

“Iniisip ko yung lolo at lola ko na 84 na, 81, hindi na mahaba yung buhay nila. Gusto kong maranasan nila na tumira sa maayos,” sabi ni Herlene.

Ngunit malaki ang kanyang panghihinayang dahil hindi na inabot ng kanyang Lola Bireng na makamtan niya ang mga pangarap sa buhay.

Pero noong umaga raw na ‘yun ay napanaginipan raw niya ang kanyang lola na kasa-kasama nila at nakangiti sa kanya.

Kuwento ni Herlene, “Actually, napanaginipan ko si Nanay ngayon, hindi siya nagsasalita, parang nag-vlog lang din ako sa panaginip.

“Nakangiti lang siya, tapos nagbi-video kami ng pamilya ko. Inaantay ko siyang magsalita.”

Ngunit nagising daw siya nang tumawag ang talent manager niya sa kanya dahil pupuntahan at babayaran na pala nito ang kaniyang bagong bahay.

“Grabe, sobrang grabe! Ayun yung mga panghihinayang na… sayang hindi naabutan ni Nanay. Lilipat na kami ng bahay,” sey ni Herlene.

Matatandaang nitong nakaraang buwan lang nang pumanaw ang kanyang Lola Bireng dahil sa kidney failure at iba pang komplikasyon gaya ng high blood, diabetes, at pneumonia.

Related Chika:
Herlene Budol pasok sa Top 40 ng Binibining Pilipinas

Herlene Budol ayaw nang sumali sa kahit anong beauty pageant?

Hugot ni Herlene Budol sa pagsali sa Bb. Pilipinas: Hindi porke’t galing ka sa ilalim hindi ka na makakabangon

Herlene Budol kering-keri ang ‘Hipon Walk’ at ‘Tempura Walk’ para sa Binibining Pilipinas 2022

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending