Herlene Budol pasok sa Top 40 ng Binibining Pilipinas Bandera

Herlene Budol pasok sa Top 40 ng Binibining Pilipinas

Therese Arceo |April 23,2022
share this

Herlene Budol pasok sa Top 40 ng Binibining Pilipinas

Therese Arceo April 23, 2022 - 11:52 AM

Herlene Budol pasok sa Top 40 ng Binibining Pilipinas

SPEECHLESS ang TV host-vlogger na si Herlene Budol o mas kilala bilang Hipon Girl nang mapasama siya sa Top 40 candidates ng Binibining Pilipinas 2022.

Naganap ang official announcement ng mga pasok na kandidata nitong Biyernes ng gabi, April 22, sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City.

 

 

“Ohmygad nung tinawag ang #67, na speechless po ako at wala parin akong tigil sa kaka-iyak dito sa backstage. Thank you lord for hearing & answering my Prayers!” saad ni Herlene.

Dagdag pa niya, “Mahal na mahal ko kayo mga KaSquammy, KaBudol at Kahipon, Kainutz, KaFreshness. Sana mahalin nyo rin ako tulad ng pag aalaga sa akin ng aking Manager at nag bigay ng tiwala at opportunidad nakikita nya para sa aking Karera.

“Ipagtanggol nyo ako pag may mag bash sa akin ah. Mahalin nyo ako bilang Hipon nakilala nyo sa Wowowin as TV host ah. Ipinapangako ko rin na hinding hindi ako mag babago at hinding hindi po lalaki ang aking ulo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

Pagkukwento ng dalaga, hindi raw ideya ang kanyang pamilya na sasali siya sa isang national beauty pageant.

Pinasalamatan naman ni Herlene ang lahat ng taong bahagi ng kanyang journey pati na rin ang unang nakakita ng kanyang potensyal na si Willie Revillame.

“Salamat din kay KUYA WIL ng WOWOWIN dahil kalahating utak ko ay ikaw po ang nag Ambag at yung kalahati kay Sir Wilbert Tolentino. Lapitin talaga ako sa WIL. God’s will talaga!” lahad ng dalaga.

Ngayong araw ay muling nag-post si Herlene sa kanyang Instagram para magpasalamat at ibinahagi ang kanyang advocacy.

“Nakakataba po ng puso ang pag cheer up nyo sa akin at lumalakas loob ko dahil yan sa inyo mga Ka-Hiponatics. tapos, kaliwa’t kanan ang tawag sa messenger para batiin ang aking Advocacy para sa AUTISM AWARENESS & DETECTION!” sey ni Herlene.

Chika pa niya, marami raw sa mga netizens ang nag-comment at sinabing sumali siya sa MGI o Miss Grand International.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

 

Agad naman daw nagpa-photoshoot ang manager niyang si Wilbert Tolentino para makita kung ano ang nababagay sa kanyang look kung sakaling sumalang siya sa MGI.

Labis naman ang tuwa ng mga netizens at todo suporta sa nais na karera ng dalaga.

“You’re so brave. Love it. Since I saw you in Wowowin, you won already. Congratulations bii. Go go lang, just don’t give up!” saad ng isang netizen.

Sey naman ng isa, “Congrats bhiiii! Wag ka sana kanabahan huh.. may laban ang tempura walk mo. Slay!!”

 

Related Chika:
Herlene Budol nanawagan sa pagsali sa Bb. Pilipinas: Wish me luck mga KaSquammy! Ipag-pray n’yo po sana ako!

Basher walang awang nilait at minaliit si Herlene Budol: Maganda ka sana kaya lang bobita ka!

Herlene Budol hindi kumita sa mga naunang vlogs: Nakakalungkot lang isipin kasi kahit kani-kanino ako nagtiwala

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending