Herlene Budol nanawagan sa pagsali sa Bb. Pilipinas: Wish me luck mga KaSquammy! Ipag-pray n'yo po sana ako! Bandera

Herlene Budol nanawagan sa pagsali sa Bb. Pilipinas: Wish me luck mga KaSquammy! Ipag-pray n’yo po sana ako!

Ervin Santiago |April 10,2022
share this

Herlene Budol nanawagan sa pagsali sa Bb. Pilipinas: Wish me luck mga KaSquammy! Ipag-pray n’yo po sana ako!

Ervin Santiago April 10, 2022 - 05:48 PM

Wilbert Tolentino at Herlene Budol

HINILING ng Kapuso TV host-comedienne na si Herlene Budol sa kanyang mga tagasuporta na ipagdasal ang pagsali niya sa Binibining Pilipinas 2022.

In fairness, maraming nagulat at napa-wow sa itsura ni Herlene na naunang nakilala sa mundo ng showbiz bilang si Hipon Girl, nang ibandera niya sa social media ang kanyang audition look sa taunang Bb. Pilipinas beauty pageant.

Ito’y matapos nga niyang kumpirmahin sa publiko na nag-file nga siya ng application form para sa nasabing nationwide pageant.

Nitong nagdaang Biyernes, April 8, nag-post muli si Herlene sa Instagram ng kanyang litrato kung saan makikita ang kaseksihan ang kagandahan ng komedyana.

Dito nga nagpasalamat si Herlene sa kanyang “mga ka-squammy” ang tawag niya sa mga taong sumusuporta sa kanya kasabay ng panawagan na ipagdasal ang pag-join niya sa Bb. Pilipinas this year.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


Sa isang photo na ipinost niya sa IG ay makikita ring kasama niya ang bago niyang talent manager, ang negosyante at vlogger na si Wilbert Tolentino.

Si Wilbert din ang nagma-manage ngayon sa dating “Pinoy Big Brother Season 10” celebrity housemate na si Daisy Lopez Cabantog o mas kilala bilang si Madam Inutz.

Sabi ni Herlene sa caption ng kanyang IG photo, “Masaya na may halong kabado ang Hipon Girl nyo today. Registration ng Binibining Pilipinas.

“Wish me luck mga KaSquammy! ipag pray nyo po sana ang aking journey. And Lord, I lift up everything to You,” mensahe pa ni Hipon Girl na unang nakilala sa programa noon ni Willie Revillame sa GMA 7, ang “Wowowin” kung saan isa siya sa naging contestant.

Pagpapatuloy pa ng komedyana, “After submit ko ng Application form ng Binibining Pilipinas. Tiktok muna ako ng 2 joints mga People at sabay mag pa glutha drip para fresh si Hipon.”

Nauna rito, kinumpirma nga ng dalaga na nagte-training na siya para sa muling pagsali niya sa beauty pageant. Aniya sa kanyang IG post, “Mga KaSquammy, first tym ko ngayon mag contact lens.

“Sa mga nag pm at nag tetext sa akin. Opo, totoo po mag jojoin po ako ng Binibining Pilipinas sa kasalakuyan nag fill up ako ngayon ng Official Application form ng Binibining Pilipinas!

“Ipagpray nyo ako pumasa sa screening mga Hiponatics ko ah! Love u all,” aniya pa.

Sa isang panayam, sinabi ni Herlene na bumalik na rin siya sa pag-aaral at kasalukuyang nasa senior year na ng kanyang course sa college na Bachelor of Science in Tourism Management.

Maituturing ding isang survivor si Hipon Girl dahil talagang napagtagumpayan niya ang lahat ng challenges na dumating sa buhay niya.

Bukod sa pagiging umbrella girl sa isang golf course, naging proud palengke vendor din siya at municipal hall employee. At ngayon nga ay isa na siyang TV host, comedienne at vlogger.

Badjao Girl hindi joke ang pagsali sa Miss Universe PH; 2 Kapuso actress ‘nangumpisal’ sa TBATS

Miss Q&A Juliana Parizcova hinampas ng trophy sa ulo; kontra sa pagsali ng trans sa Miss U

Maureen Wroblewitz nag-sorry sa ‘pagsisinungaling’ tungkol sa pagsali sa Miss Universe PH 2021

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending