Herlene Budol ayaw nang sumali sa kahit anong beauty pageant?
HANGGANG ngayon ay nasa top trending topic pa rin ng Twitter ang pangalan ni Herlene Nicole Budol matapos itanghal na First Runner-up sa grand coronation night ng Binibining Pilipinas 2022 pageant kagabi.
Inabot ng pasado ala-1 ng madaling araw kanina ang 58th edition ng naturang national pageant na ginanap sa Araneta Coliseum.
In fairness, marami ang nagsabi na deserving makakuha ng korona at titulo ang Kapuso comedienne dahil sa ipinakita niyang performance sa swimsuit at evening gown competition at maging sa question and answer round ay lumaban din ang dalaga.
Dalawa sa mga celebrities na sumusuporta kay Herlene na nanghinayang sa kanyang laban ay sina Vice Ganda at Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa.
Ayon sa Pinay beauty queen, nalulungkot lang siya dahil mukhang wala na raw balak sumabak sa beauty pageants ang komedyana pagkatapos ng Binibining Pilipinas 2022.
View this post on Instagram
Tweet ni MJ, “Chinika ko si Budol Sabi ko proud ako sayo ang galing mong sumagot! Sumali ka pa ulit. Sagot niya: last ko na to ate. Aww why naman langga. #nicolebudol.”
Ngunit sa interview ng press sa Binibining Pilipinas 2022 winners after ng grand coronation, natanong nga si Herlene kung may plano pa siyang sumali uli sa mga pageant.
“Yun po yung di pa natin alam. God’s will ‘yan. Antayin lang po natin kung saan po tayo dalhin ng panahon.
“Pero ang sigurado ay babalik po tayo ng showbiz at siyempre, gagampanan ko rin po yung mga trabaho ko na kailangan pong gawin sa Binibini. Kaya see you, GMA!” aniya pa.
First time nag-join ng pageant ang dalaga at in fairness naging “Hakot Queen” naman siya dahil sa dami ng naiuwi niyang special awards.
At sa 12 semifinalists na naglaban-paban sa last round, si Herlene lang ang sumagot sa Tagalog.
Ang tanong sa kanya ng huradong si Cecilio Asuncion (founder and director ng Slay Model Management), “A beauty pageant is a space for transformation. What has been your biggest character transformation since you joined and how could this make you deserving of a crown tonight?”
Pero isinalin din niya ito sa Tagalog, “Ang beauty pageant ay isang lugar para sa transpormasyon. Anong transpormasyong importante ang nangyari sa iyo habang nandito ka sa Binibining Pilipinas.”
Tugon ni Herlene, “Para sa ‘kin, isang karangalan na nakatungtong ako dito sa Binibining Pilipinas bilang isang binibining hindi inaasahan.
“Para sa ‘kin, ang sarap palang mangarap. Ang sarap mangarap. Walang imposible. Isa po akong komedyante na laki sa hirap, at ang aking transpormasyon ay ang magbigay ng inspirasyon. Because I know for myself that I am uniquely beautiful with a mission,” aniya pa sabay saludo.
Reaksyon naman ni Vice sa kanyang tweet, “E ung naiyak ako para kay Hipon! Waaaahhh! Love u Herlene!”
Kasunod nito, ipinost din niya ang side-to-side pasarela walk niya mula sa isa niyang pelikula at ng kandidatang si Chelsea Lovely Fernandez. Aniya sa caption, “O diba!!! Ika nga ni Hipon from comedy to inspiration! Chozzz!!!”
Ito naman ang sabi ni MJ sa pagta-Tagalog ni Herlene, “Ganyan nga Nicole Budol normalize using our language in Philippine beauty pageants, coz why not?!!!! Kalahati ng Araneta fans ni Budol, bet!”
https://bandera.inquirer.net/311634/herlene-budol-kering-keri-ang-hipon-walk-at-tempura-walk-para-sa-binibining-pilipinas-2022
https://bandera.inquirer.net/320257/vice-sa-tagal-ng-pag-announce-ng-winner-sa-bb-pilipinas-2022-may-very-wrong-ano-kayang-meron-naway-walang-nagkapalit-ng-korona
https://bandera.inquirer.net/313984/hugot-ni-herlene-budol-hindi-porket-galing-ka-sa-ilalim-hindi-ka-na-makakabangon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.