Herlene Budol kering-keri ang ‘Hipon Walk’ at ‘Tempura Walk’ para sa Binibining Pilipinas 2022
KUNG seseryosohin ng Kapamilya actress na si Herlene Nicole Budol ang ilang suggestion ng mga Filipino pageant fans, mukhang mas magiging malakas ang laban niya sa Binibining Pilipinas 2022 pageant.
Tuwang-tuwa ang mga fans ni Herlene na unang nakilala bilang Hipon Girl sa “Wowowin” ni Willie Revillame, nang makapasok siya sa Top 40 candidates ng Binibining Pilipinas 2022.
Medyo kinabahan pa nga ang mga supporters ng dalaga dahil isa siya sa mga kandidatang tinawag sa bandang duli na ng final screening na ginanap sa New Frontier Theater nitong weekend.
Sa panayam kay Herlene, sinabi niyang hindi niya isasantabi si Hipon Girl sa kanyang pageant journey pero mas makikilala pa raw siya ngayon ng mga Pinoy bilang si Nicole.
“Ang tawag kasi sa akin dati sa school Budol, tapos sa amin ang palayaw ko is Herlene, sa TV naman ay Hipon, so si Nicole naman dito sa Binibining Pilipinas,” pahayag ni Herlene.
View this post on Instagram
Ibinahagi rin ng dalaga ang usapan nila ng kapwa kandidata na si Anna Valencia Lakrini na isang Filipino-German beauty queen na pumasok din sa Top 40. Kapag daw mag-uusap sila, kailangang English ang salita niya habang Tagalog naman si Anna.
Pero mukhang paninindigan ni Herlene ang pagsagot sa wikang Filipinon sa question and answer segment ng pageant.
Bukod sa ginagawang preparasyon sa Q&A, kakaririn din ni Herlene ang kanyang style sa pagrampa. Ang suggestion nga ng kanyang fans, kailangan magkaroon siya ng signature walk tulad ng ibang beauty queens. Pwede raw itong tawaging “Hipon Walk” o “Tempura Walk.”
Nauna nang nabanggit ng dalaga na kaya siya sasali sa Binibining Pilipinas ay para mapatunayan sa kanyang sarili na kaya niyang abutin ang pangarap kung seseryosohin niya ito.
Gusto rin daw niyang maging role model sa mga kabataan na natatakot at nagdadalawang-isip sa pag-abot sa kanilang mga pangarap sa buhay, “Hangga’t may buhay, may pag-asa. Hindi porke galing ka sa ilalim ay hindi ka makakabangon.”
Nauna rito, nag-post sa Instagram si Herlene ng mensahe para sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa kanya, “Maraming, maraming salamat mga Hiponatics at mga KaSquammy sa mga PM nyo sa akin. Yung mga mensahe nyo nakakaboost ng confidence lalo na pag nabasa ko ‘kaya mo yan hips at support kami sa journey mo.’
“Sobrang thankful & grateful po ako sa inyo. Kaya eto si Hipon andito ngayon nakipag sapalaran para sa Binibining Pilipinas para sa aking Pamilya. Bitbit ko mga requirements kasi last day submission po tayo,” aniya pa.
Ang gusto sanang mapanalunan ni Herlene ay ang Miss Grand International title dahil marami ang nagsasabi na bagay na bagay daw ito sa kanya.
Ang iba pang korona at titulo na paglalabanan ng mga kandidata ngayong taon ay ang Binibining Pilipinas International, Binibining Pilipinas InterContinental, at Binibining Pilipinas Globe.
https://bandera.inquirer.net/311488/herlene-budol-pasok-sa-top-40-ng-binibining-pilipinas
https://bandera.inquirer.net/279484/rabiya-kinakarir-ang-hala-bira-walk-para-sa-miss-universe-2020-sumabak-din-sa-acting-workshop
https://bandera.inquirer.net/310433/herlene-budol-nanawagan-sa-pagsali-sa-bb-pilipinas-wish-me-luck-mga-kasquammy-ipag-pray-nyo-po-sana-ako
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.